Ka Roger

05ed
Rogelio Lunasco Ordoñez (September 24, 1940 – May 19, 2016) (Larawan kagandahang loob ng Pinoyweekly.org)

Mayo 19, 2016 nang malagutan ng hininga ang makabayang propesor, manunudling, makata, kuwentista, at peryodista na si Rogelio Lunasco Ordoñez. Ama kung ituring ko siya. Kagaya rin ng pagturing ko kina Ave Perez Jacob, na pumanaw noong ika-8 ng Hunyo, 2015, at Bayani S. Abadilla, na sumakabilang buhay naman noong ika-14 ng Mayo, 2008–na pawang mga kaibigan niya, sa unibersidad man, sa pasulatan man, o sa pakikibaka man sa pagpapalaya ng sambayanan mula sa pagtanikala ng tinaguriang tatlong salot–imperyalismo, burukrata kapitalismo, at piyudalismo–na, noon pa man, ay siyang sumisikil at kumikitil sa pag-asa ng bayan na maging malaya at magkaroon ng pagkakapantay-pantay. Continue reading “Ka Roger”

Anong Kalayaan?

Kalayaan nga ba itong matatawag
Wagayway nga itong sariling watawat
Dayuhan pa rin ang sariling dalumat
Lupang dayo pa rin ang pinapangarap? Continue reading Anong Kalayaan?

Only in Conjunction With the Proletarian Woman Will Socialism Be Victorious

As far as the proletarian woman is concerned, it is capitalism’s need to exploit and to search incessantly for a cheap labor force that has created the women’s question. It is for this reason, too, that the proletarian woman has become enmeshed in the mechanism of the economic life of our period and has been driven into the workshop and to the machines. She went out into the economic life in order to aid her husband in making a living, but the capitalist mode of production transformed her into on unfair competitor. She wanted to bring prosperity to her family, but instead misery descended upon it. The proletarian woman obtained her own employment because she wanted to create a more sunny and pleasant life for her children, but instead she became almost entirely separated from them. She became an equal of the man as a worker; the machine rendered muscular force superfluous and everywhere women’s work showed the same results in production as men’s work. And since women constitute a cheap labor force and above all a submissive one that only in the rarest of cases dares to kick against the thorns of capitalist exploitation, the capitalists multiply the possibilities of women’s work in industry. As a result of all this, the proletarian woman has achieved her independence. But verily, the price was very high and for the moment they have gained very little. Continue reading Only in Conjunction With the Proletarian Woman Will Socialism Be Victorious

Sa Duyan Ng Rebolusyon

Ang katotohanan ay ito: Walang may ibig sa America na maisapi ang Pilipinas, at walang Amerkano na naniniwalang maaaring maging mga Amerkano ang mga Pilipino. Paniwala ng mga nakikiapid na walang muwang ang mga tao tungkol sa mga bagay na ito, kaya sinabi ko nang may kabastusan, na nangangarap sila nang gising, na kung nais nilang magkamit ng tunay, hiyakatin nila ang pamahalaan sa Manila at sa America na magpatawad nang kaunti, at ipangako ang kalayaan ng Pilipinas sa mga darating na araw. At tutulungan ko sila, pangako ko, na tanggapin ng mga tao ang ganitong kasunduan, at kalimutan na muna ang kalayaan hanggang sa kahit matagal na panahon. Continue reading Sa Duyan Ng Rebolusyon

llame a agente central

mga multo kami mga makinang pinagagalaw ng headset at CPU at parang jukebox na raratsada sa bawat hulog ng piso. pantasmagorya kaming sa nikotina, kapeng Starbucks, CBTL*, Gloria Jean, at beer, sa kukuting makolesterol humihinga at nabubuhay. Alipin kami ng teknolohiya pinaiikot ang mundo namin ng internet, iPod, at N97 ng mga ilaw dagitab ng mga bar at resto sa Maynila, Makati at Libis. Mga … Continue reading llame a agente central

Tulang Balaraw Sa Tatlong Salot ng Lipunan

Saltik ng salita Bawat talinghaga Hininga ng diwa Balasik na tula. Latigo at singkaw Tulang pambalaraw Tusak na pamatay Sa utak-halimaw! Kaya nga makata Salita’y ihasa Gawin na kampilan Laban sa kaaway. Kaaway ay sino? Papet na gobyerno Sugo ng Imperyo Mga propitaryo! Bakit ba, wika mo? Dahil mga tuso Sakim na diyablo Pahirap sa tao! Kaya nga poeto, Tula’y ihasa mo Gawin na palaso … Continue reading Tulang Balaraw Sa Tatlong Salot ng Lipunan

Harangan man kami ng kanyon at sibat – hinding-hindi kami aatras

Hala! Magsawa kang karnehin ang bawat naming kasamahan. Dahil kung inaakala mong kaya mong lalusin sa pamamagitan ng karahasan ang mga makabayan – Nagkakamali ka! Kung inaakala mong uurungan ng bayag at kung ano pang dapat umurong sa terorismong inihahasik mo, Ikaw na naririyan sa puwesto’t tagahimod ng pundilyo ng Imperyalismong Amerikano – Magisip-isip ka. Dahil harangan man kami ng kanyon Putukan ng baril, pasabugan … Continue reading Harangan man kami ng kanyon at sibat – hinding-hindi kami aatras