Ka Roger

05ed

Rogelio Lunasco Ordoñez (September 24, 1940 – May 19, 2016) (Larawan kagandahang loob ng Pinoyweekly.org)

Mayo 19, 2016 nang malagutan ng hininga ang makabayang propesor, manunudling, makata, kuwentista, at peryodista na si Rogelio Lunasco Ordoñez. Ama kung ituring ko siya. Kagaya rin ng pagturing ko kina Ave Perez Jacob, na pumanaw noong ika-8 ng Hunyo, 2015, at Bayani S. Abadilla, na sumakabilang buhay naman noong ika-14 ng Mayo, 2008–na pawang mga kaibigan niya, sa unibersidad man, sa pasulatan man, o sa pakikibaka man sa pagpapalaya ng sambayanan mula sa pagtanikala ng tinaguriang tatlong salot–imperyalismo, burukrata kapitalismo, at piyudalismo–na, noon pa man, ay siyang sumisikil at kumikitil sa pag-asa ng bayan na maging malaya at magkaroon ng pagkakapantay-pantay. Continue reading

Pagtatagpo sa Labas ng Telon: Nasa Ibang Lupain na si B.

NASA ISANG BANSANG napalilibutan ng dagat at magagandang templo’t gusali, ang maganda at mabait kong kaibigang si B. Si B, na pinagsaan noon ng kalalakihan dahil sa kaniyang paghuhubad sa pelikula nang kasagsagan ng pelikulang ST (sexy and thrilling), ng pelikulang pitu-pito, ng mga pelikulang nakaangkla ang istorya sa pait at tamis ng pagibig at sa libog na kaakibat ng isang romantikong relasyon. Continue reading

Censored

Gumapang ang mga kamay ng kaniig, kung saan-saan dumapo. Bawat himod at supsop ay nakapagpapaulol sa kaniyang damdamin. Bakit nga ba kay dapok ng lupang katawan kapag tumatawag na ang laman?

Madaling-araw na…

Madaling-araw na subalit hindi ko pa magawang matulog. Marami kasing mga bagay ang umaalog sa ulo kong wala na yatang laman.

***

Nagmumuni-muni ako nang madalas nitong nakaraang mga araw at tila naging palipas-oras ko na ang pangangarap at gayundin, ang pagkausap sa sarili. Marami pala akong dapat gawin at marating at maabot at maarok… pero hindi ko magawa dahil sa ilang kadahilanan na sa akin na lang…

***

Pero nakatutuwa na ang lamig ng madaling-araw ay naghahatid sa akin ng kakaibang kilig at hinagpis; subalit alam ko na ang kaligkig na dulot nito ay madaling mapapawi ng araw na nagdudumali ngayong sumikat sa aking buhay…

Relasyon

Nagkatitigan, nagkangitian, nagkapalagayan ng loob, nagtagpo sa isa ng lugar, tumibok ang mga puso, nagkaroon ng kiliti sa loob ng dibdib.

Mga salita — pagmamahal, pagsinta, bahaghari, paruparo sa talulot ng rosas, katamisan, kapaklahan, katamisan, pagkakaiba, pagkakahawig, pagkakasundo, kawalan ng pagkakaintindihan.

Ngunit saan nga bang talaga umiinog ang salitang relasyon? Ang pariralang pagmamahal? Sa ligaya ba o sa kalungkutan? O pareho? Bugtong itong inihihinga ng puso. Talinghaga ito ng kaluluwa. Ngunit kapag hindi na ba malaman ang sagot, dapat na rin bang tumigil sa pagtatanong? Kailan nga ba ang pisi’y dapat habaan? O kailan ang pagkakatanikala ng puso sa puso’y lagutin? Sino nga ba ang makasasagot sa bugtong? Ikaw ba o ako? O kapwa tayong dapat mangapa ng sagot sa pinakasulok ng ating dibdib?

Kayo ang magdala ng makakain…*

Kung may trabahong sapat ang kita at tutulungan ng gobyerno, nang totoo ang sektor ng agrikultura, walang magugutom na Pilipino. (Larawang nakuha sa Internet)

Kung may trabahong sapat ang kita at tutulungan ng gobyerno, nang totoo ang sektor ng agrikultura, walang magugutom na Pilipino. (Larawang nakuha sa Internet)

SABI NG ISANG MATANDANG kasabihang Hindi, “Mahalaga ang pagkain sa pagkatutong espirituwal.” Paano nga ba makapananalangin nang husto ang isang bata kung ang iniisip niya ay isang tasang kanin, isang pritong tuyo at isang tumpok na mga gulay? Kasama sa paghihimala ng Panginoong Hesu-Kristo noong nasa daigdig pa Siya, ay ang pagpapakain sa mga nagugutom (Cf. Mt. 14:13-21; Mk. 6:31-44; Lk. 9:10-17; Jn. 6:5-15;  Mk 8:1-9; at Mt. 15:32-39). Continue reading

Malas at suwerte sa Year of the Water Dragon

“Ang water dragon, ang hatid unang-una ay napaka-short tempered nila. Ibig sabihin, mayroong kaunting gulo. Ibig sabihin, sa decision-making, iyong mga nakatataas, nahihirapan sila dahil sa kalat-kalat na nage-exist na mga gulo.." - Ms. Dorothy Anna Pascual, Niyos Treasure

Hindi maikakailang malaki ang impluwensiya ng ating mga kababayang Filipino-Chinese sa ating kultura at paniniwala sa kabuuan. Kabilang na rito ang paniniwala sa feng shui.

Isang “eksaktong” siyensiya ang feng shui, ani Ms. Dorothy Anna Pascual, feng shui expert at may-ari ng Niyo Treasure, isang feng shui shop sa Antipolo City. Sa pamamagitan ng math at science, o pagkukuwenta ng oras, araw at taon ng kapanganakan ng isang tao, natatantiya ang maaring kahinatnan ng kapalaran ng isang kliyente, maging ito ay sa punto ng kabuhayan, relasyon at kalusugan.

Ano nga ba ang kapalaran ng Pinoy sa panahon ng water dragon?

“Ang water dragon, ang hatid unang-una ay napaka-short tempered nila. Ibig sabihin, mayroong kaunting gulo. Ibig sabihin, sa decision-making, iyong mga nakatataas, nahihirapan sila dahil sa kalat-kalat na nage-exist na mga gulo. Iyon ang isang side niya, iyong tinatawag nating yellow star,” paunang pababahagi ni Ms. Dorothy sa PINAS Global Newspaper sa maaring maganap sa panahon ng water dragon.

Aniya pa, ang water dragon ay may dalawang bahagi o direksiyon: East o silangan at southeast o timog-silangan.

“Sa Southeast part, may tinatawag siyang five kinds of major danger—iyan iyong mga aksidente sa kalsada, iyong mga sakit-sakit, and then katulad niyan, iyong mga lokohan ng mga tao: miscommunication, misunderstanding, lalabas ‘yan. And then mayroon din tayong tinatawag na iyong issue, issue sa lahat ng klase ng mga namumuno, laluna na iyong ating namumuno, Rat sign kasi ang ating pambansang pangulo,” ani Ms. Dorothy.

Pero, suwerte raw si Pangulong Aquino ngayong taon dahil “kakampi” siya ng water dragon.

Pi Yao: para iwas gulo (Photo by the author)

Ayon pa kay Ms. Dorothy, asahan na ang mga sakuna at kalamidad na dulot ng kalikasan sa pagdating ng Year of the Water Dragon. Ang southeast area ng dragon, aniya, ay “uncontrollable” dahil nagmumula ito sa kalikasan. Ito, aniya, ang pinakakatatakot.

Noong panahon ng Rabbit, ani Ms. Dorothy, unfavorable month ang December na kinaganapan ng trahedyang may kinalaman sa bagyong Sendong. Mahigit isang libong katao ang namatay at mahigit isang libong katao ang nawawala nang rumagasa ang putik at troso buhat sa kabundukan ng Iligan at Cagayan de Oro City.

Ibinigay rin niyang halimbawa ang naganap na lindol at tsunami sa Japan noong Marso 11, na nagdulot ng pangamba sa buong mundo dahil sa nuclear crisis. Aniya, nasa buwang iyon nakapuwesto ang yellow star noong nakaraang taon.
Sa panahon ng Water Dragon, maaaring maganap din ito pero mayroon tayong pinakamabisang pananggalang sa hagupit nito:

“Wala tayong ibang magiging proteksiyon kundi iyong prayer talaga,” sabi ni Ms. Dorothy.

Bagaman masasabing napaka-grim o napakadilim ng kapalarang nabanggit, hindi naman daw ito dapat pangambahan dahil may magandang bahagi ang Water Dragon: ang East side. Aniya, hindi kagaya ng Rabbit na uni-direction lang, ang Dragon ay may isa pang direksiyon, ang silangan na kanlungan ng suwerte.

“Ito ang kagandahan sa East side. Siyempre kung mayroong pangit, mayroon din namang maganda. Iyong pangit, kaya namang kontrolin ‘yan through prayer. Then ‘yong maganda, asahan natin ‘yan. Katulad niyan, may Roman Star. Kapag sinabing Roma star, ibig sabihin, very effective tayo when it comes to communication,” sabi ni Ms. Dorothy.

Kahit naghihirap, aniya, ang Pilipinas, asahan na dadagsa ang tulong buhat sa ibang bansa na may mabuting kaugnayan ang Pilipinas.

Sabi pa ng feng shui expert, ang Roman Star din ay punung-puno ng pag-ibig kaya maganda ang 2012 sa mga relasyon, pag-aasawa at pag-aanak. Sinabi pa niya na ang mga sanggol na ipanganganak ngayon ay talagang magiging napakasuwerte.

Pero, may babala si Ms. Dorothy: “Ngayon, medyo ingatan nating ang ating mga kabataan, medyo mag-focus tayo sa kanila, dapat bantayan natin sila, kasi ang Roman Star napakalakas—malaki ang tiyansang maraming kabataan ang magsisipag-asawa.”

Doon naman sa gustung-gustong magbuntis: ang 2012 ang taon ninyo, sabi ni Ms. Dorothy, gayundin sa ibig mga magpakasal.

Dahil ang Roman Star ay may kinalaman din sa edukasyon, asahan nang magiging maganda ang taong ito sa mga ating akademya, partikular sa pagkakaroon ng Pilipinas ng K-12 education. Ang deskripsiyon niya sa academe: “Mage-excel ang education sa Pilipinas”

Suwerte ngayong taon ang ipinanganak sa year of the Rabbit, Monkey, Rooster, Rat, Tiger at Horse. Hindi naman gaanong kaganda ang kapalaran ng Dog, Ox (na magiging masasakitin), Boar (Pig), Sheep, Dragon.

Para naman sa mga hindi magandang signs, sa Dog na parang magiging madalas ang pakikipag-alit sa panahon ng Water Dragon, inirerekomenda ni Ms. Dorothy ang Pi Yao with Flaming Sword na makasangga sa puwersa ng conflict. Maganda rin ang Dragon-Horse para naman sa career.

“Facing the window, kailangan nating unang-una ang rooster [figurine]. Rooster kasi pantanggal, pantaboy ng negative energy. At siyempre, Dragon, na a must for every house,” pagbabahagi pa niya.

Sa punto naman ng business, sinabi ni Ms. Dorothy na aariba ang call center industry, maging ang negosyong may kinalaman sa tubig gaya ng water refilling stations at maging ang may kinalaman sa pagkain.

Bilang pagwawakas sinabi ni Ms. Dorothy:

“Ang feng shui ay science: eksaktong kalkulasyon ng math and science. Ngayon po, lahat ng binanggit kong year signs na not conflict, at good ngayon, ang gagawin n’yo po, unang-una: stay positive. And then, try n’yo pong maglagay ng mga bagay na kailangan ninyo (referring sa amulets at luck enhancers). Sa mga unfavorable naman this year, siyempre unang-una po, mag-pray kayo para ma-counter lahat ‘yan, at stay positive. Kailangan ang outlook n’yo sa buhay ay positive. Don’t forget to pray.”

Siyempre pa, bilang dagdag: tandaan nating ang suwerte o kapalaran natin ay nasa ating mga kamay. Sabi nga ng matandang kasabihan: Nasa Diyos ang awa, nasa atin ang gawa.

Feng shui 101

Literal na nangangahulugang “wind, water” ginagamit ng mga Taoist ang sining ng feng shui para maging maganda ang daloy ang

Ano nga ba ang kapalarang naghihintay sa mga Pilipino ngayong Year of the Water Dragon?

enerhiya sa paligid at para mahalina ang positibo at mainyutralisa ang negatibo.

Ani Angi Ma Wong, ang tinaguriang feng shui lady ng America, may limang bagay na bumubuo sa kapalaran o destiny ng isang tao: una, ang fate, o kapalaran na itinakda ng langit; luck, na maaring pure luck, man-made luck, at heaven luck; earth luck; philantrophy o pagkakaridad; at edukasyon at karanasan. Ang tatlong huli ay maaaring makontrol sa pamamagitan ng pagsunod sa ilang giya ng feng shui.

May tatlong mayor na konsepto ang feng shui: ang daloy ng enerhiya (chi), ang balanse ng yin at yang (- at + energies), at ang interaksiyon ng limang elemento sa kalawakan o uniberso: fire, earth, metal, water at wood. Ang limang ito ay dapat na maging kaswato ng isa’t isa para maiwasan ang negatibong pangyayari sa ating buhay.

May tinatawag na generative at destructive cycle ang nature: sa pamamagitan ng apoy, nalilikha ang lupa; ang lupa ang nagproprodyus ng metal, ang metal ang nagpoprodyus ng tubig, ang tubig ang nagpapalago sa kahoy, at ang kahoy naman ang nagpaparikit ng apoy; ang kabaligtaran naman nito ang tinatawag na destructive cycle: tinutunaw ng apoy ang metal, ang metal pinuputol ang kahoy, ang kahoy sinisira o iniuusod ang lupa, ang lupa ay nagtitipon o pumipigil sa pagdaloy ng tubig, at ang tubig ang pumapatay sa apoy. Kaya nga, dapat na hindi ilagay ang “kontra” na elemento sa lugar na pinapatay ng nasabing elemento, hal. Sa water area ay huwag na huwag na ilagay ang amulet na sumisimbolo sa apoy. (Mula sa librong Feng Shui Dos and Taboos ni Angi Ma Wong, 2000).