Ka Roger

05ed

Rogelio Lunasco Ordoñez (September 24, 1940 – May 19, 2016) (Larawan kagandahang loob ng Pinoyweekly.org)

Mayo 19, 2016 nang malagutan ng hininga ang makabayang propesor, manunudling, makata, kuwentista, at peryodista na si Rogelio Lunasco Ordoñez. Ama kung ituring ko siya. Kagaya rin ng pagturing ko kina Ave Perez Jacob, na pumanaw noong ika-8 ng Hunyo, 2015, at Bayani S. Abadilla, na sumakabilang buhay naman noong ika-14 ng Mayo, 2008–na pawang mga kaibigan niya, sa unibersidad man, sa pasulatan man, o sa pakikibaka man sa pagpapalaya ng sambayanan mula sa pagtanikala ng tinaguriang tatlong salot–imperyalismo, burukrata kapitalismo, at piyudalismo–na, noon pa man, ay siyang sumisikil at kumikitil sa pag-asa ng bayan na maging malaya at magkaroon ng pagkakapantay-pantay. Continue reading

Censored

Gumapang ang mga kamay ng kaniig, kung saan-saan dumapo. Bawat himod at supsop ay nakapagpapaulol sa kaniyang damdamin. Bakit nga ba kay dapok ng lupang katawan kapag tumatawag na ang laman?

Nasaan ang puso mo, o Israel?

Hear ye the words of this covenant, and speak unto the men of Judah, and to the inhabitants of Jerusalem; And say thou unto them, Thus saith the LORD God of Israel; Cursed be the man that obeyeth not the words of this covenant,  Which I commanded your fathers in the day that I brought them forth out of the land of Egypt, from the iron furnace, saying, Obey my voice, and do them, according to all which I command you: so shall ye be my people, and I will be your God: That I may perform the oath which I have sworn unto your fathers, to give them a land flowing with milk and honey, as it is this day. Then answered I, and said, So be it, O LORD. – Jeremiah 11: 2 – 5, King James Version (Cambridge Ed.)

 

Umiiyak dugong tumigis sa lupa

Ng mga sanggol at musmos na walang malay.

Nagugutom sila sa iyong kabutihan, o Israel—

Ano’t nagpapatuloy ka sa iyong walang kabuluhang pagsamba?

Ulinigin mo nga, o Israel, ang sabi ng Panginoon mong Dios

Na ang pagsambang katanggap-tanggap sa kaniya’y ganito:

Na alisin ninyo bahid ng dugo sa inyong mga kamay[1]

At gawin ninyong may katarungan inyong mga hatol.

Datapwa, hindi kayo nagsisisunod

Bagkus inyong iniibig inyong mahahalay na pita—

Ang kasakiman para kubkubin ang ibang bayan.

Kaya nga pangangalatin nga kayo

Kagaya ng ginawa noong una at ginagawa ninyo ngayon

Sa mga mamamayan ng Palestina.

Sapagkat walang habag iyong puso o Israel,

Ay hindi ka rin naman kahahabagan.[2]


[1] Isaias 1: 15

[2] Santiago 2: 12 – 13

To a lady named María Ozawa

Maria Ozawa, a Japanese porn actress

It is not because you’re naked, my love
That I begin to look upon thee;
It is because you’re a woman and a dove
That my soul’s eyes began to long for thee…

Do not mistook it for lust, it is not, it is not—
For I know, my dear, you had enough, you had enough!
I am longing for you, not for your kiss, not for your touch
What I want is your real smile, your real laugh.

Sometimes I wonder if you moan because you’re satisfied;
Or it is a just cover for the tears you’ve learned to hide?
Do you long for a perfect lover; do you, my sweet and my love?
Someone who can give you wings, so you can fly like a dove.

I pray, my dear Maria, everyday and every night—
That you and your sisters will soon took the flight—
Not inside the room, wherein you will falsely make love
But to the arms of a lover, that will give you love, not only lust.

Papuri sa Bánal na Santa Cruz ni Jesucristong Mahal

Sa bundok ng Golgotha, marami ang nakasaksi
Sa hirap mo Poon, upang iligtas ang marami
Hubu’t hubad kang ibinitin, aming Pintakasi
Nilang mga uslak, silang walang pagkasi!

Ilang oras Kang nakabitin sa kahoy na Krus
Tila ba nag-iisa, labis ang pagkabusabos!
Kaya nausal Mo noon, “O Diyos, O aking Diyos—
“Ano’t Iyong pinabayaan, yaring iyong Lingkod?”

Nguni, matapos nga ang lahat Mo na paghihirap
Bago ang higit ng hininga’y unting nakakalas—
Sa Amang banal, na Puno ng tunay na Paglingap
Iyong habilin ang Kaluluwang puro at wagas…

Higit dalawang libong taon, nang iyo’y maganap
Tanging naiwang tagapagpaalala ng hirap
Ay ang Kahoy na Krus, narito sa aming harap
Na tila may bakas pa ng Inyong binatang antak.

Sa tuwing titingalain, ang krus Mo, o Poon—
Nababatid namin, hindi nga kami maluluoy
Doon sa Tartarong sakdal init ang baga’t apoy
Walang hanggang parusa, matindi nga na paghatol!

Krus mo, o Panginoon, tangi nga naming tangan,
Tila ilawang tanod sa aming nilalakaran.
Nawa’y huwag ipalimot, sa aming naglalakbay
Kaharian mo nga ang lunang tanging pupuntahan!

Isang Tula para sa Dalagang Bisaya

Kahiwagaan kang walang kahulirip,

Ada[1] ka bang dalaw sa aking panaginip?

Tunay ngang bugtong kang ukilkil sa isip

Rompecabezas,[2] sa hangin nakatitik.

Inip na inip ako sa ‘yong pagdating

Nais ko ang oras, ay agad pabilisin—

At nang magkahuntahan nga tayo mandin

Balitaktakan[3] sa kani-kaniyang kiling.

Aminin ko na nais kitang kausap

Lambing ng titik mo, aking hinahanap…

Oya[4] ka bang gayuma ang hawak-hawak

Nakapagpapalango sa aking utak?

Eva kang tunay ngang walang pangalawa

Sa rikit, sa talino, walang kapara;

Kaibigang kay tamis, tunay na Bisaya

Alam kong sa tugmang ito’y tatawa ka!


[1] Diwata, lambana, engkantada

[2] Bugtong o puzzle sa wikang Español

[3] Debate, pagtatalo, pagkakatuwiranan

[4] Diyosa ng kailugan sa relihiyong Santeria, na katutubo naman sa Kanlurang Africa (Nigeria)

Dalit sa Marikit ng Bulaklak ng Sampaga, Mahal na Virgen Maria

Maria, Reyna at Ina (larawan mula sa http://www.fisheaters.com)

O katamis-tamisang Bulaklak ng Sampaga
Marikit, marilag, butihing Inang Maria
Dinggin pagsusumamo ng mga anak ni Eva
Dito sa kahapishapisang bayan nga ng dusa!

Ilawit ang tulong mo, o Mahal naming Ina
Huwag hayaang maligwin sa Iyong Kalinga
Reyna at Ina ka, Tanggulan ng kaluluwa
Bukal ng Awa’t labis-labis nga na pagsinta!

Marikit na Rosa Mistika, oh, Perla Sola!
Mahal na Ina ng Hesukristong Sinisinta,
Ikaw po ang katamistamisan sa tuwina,
Sa bayang may hapis, ikaw nga po ang ligaya!

Amin nga pong pangako, sa butihin mong Puso
Sa Landas ng Kabanalan, doon nga dadako—
Nang ang Siete Dolores na nagtusak sa Iyo
Ay huwag madagdagan, mawala sa pagkaduro!