Posted in imperialism, intellectual labor reduction, international trade/World Trade Organization, labor exploitation, Other, poem, protest poetry, social realism, women and children's issues, youth issues

llame a agente central

mga multo kami

mga multo kami / mga makinang pinagagalaw / ng headset at CPU...

mga makinang pinagagalaw
ng headset at CPU
at parang jukebox na raratsada
sa bawat hulog ng piso.

pantasmagorya kaming
sa nikotina, kapeng Starbucks,
CBTL*, Gloria Jean, at beer,
sa kukuting makolesterol
humihinga at nabubuhay.

Alipin kami ng teknolohiya
pinaiikot ang mundo namin
ng internet, iPod, at N97
ng mga ilaw dagitab
ng mga bar at resto sa Maynila, Makati at Libis.

Mga nilango kami ng pantasya
ng mga casual encounters
ng disco, ng EBs**
ng mga indibiduwalistang
pananaw at pilosopiya.

Napakasuwerte raw namin
dahil kumakapal ang bulsa
tuwing akinse’t katapusan
at nabibili namin ang luho
ng aming mga katawan.

Hindi nila alam –
Inuubos ng bawat gabi ang aming mga dugo
Sinisipsip ng tubong nakakonekta sa ibang mundo ang aming utak at talino
Intelektuwal kaming mga puta na hindi katawan kundi talino ang ibinibenta
Mga manyikang de susing sinanay ang mga dila para magsirko – “This is x…. may I help you?”
Mga bonsai kaming inagawan ng pagkakataong lumago.
Subalit walang magawa ang utak at pulso
Dahil hinati, winasak ang aming mga mundo
ng mga harang na tila maninipis na asero
Na nakapagtatakang kahit nagkakadungawan –
hindi man lamang magtama ang aming antatao?***

Hindi nila batid –
Ang bawat pag-aglahing tinitiis
Buhat sa bibig ng kustomer na sinisinta
na kahit kami minumura’y di mabalikan ng mura.
Walang magawa dahil tulad ng iba
Kailangan din naming may mailaman sa aming mga sikmura.
Hanggang kailan magtitiis ang mga tulad namin
sa robotiko at malabampirang buhay
sa kahong kung tawagin – industriya de intelektuwal
sa translasyon: alipin na may pinag-aralan at ang salita ay may “English twang?”

—–

Mga talababa:

* CBTL – Coffee Bean and Tea Leaf
** EBs – eye balls
*** antatao – mga mata (eyes)

Nalathala rin sa Facebook, Pebrero 5, 2010.

Author:

Isa lamang ordinaryong miron at mapangarapin si Noel Sales Barcelona na nagnanais magsulat ng hinggil sa kaniyang nadarama.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s