Isang Paanyaya

Hihiramin ko ang paboritong salita nang namayapang makata, kwentista, mananaysay, peryodista at rebolusyonaryong si Bayani “Ka Bay” S. Abadilla para gawing pamagat ng blog na ito: SIGLIWA.

Dalawang salitang pinagtambal: Sigla at Diwa.

Dito ninyo makikita ang ilang kislot at kibot ng diwa ng isang makata, mananaysay, kritiko, peryodista at mananaliksik sa katauhan ni N.S.B.

Hindi maipangangako nito ang isang mahusay na paglalahad, kundi isang pagtatangka.

Sana’y samahan ninyo akong maglakbay sa karagatan ng mga titik at hayaang salungahin ang alon ng mga salita at hininga-ng-diwang lagi na lamang sinisikil ng isang lipunang ang kayarian, hindi pantay.

4 thoughts on “Isang Paanyaya

  1. Ang isang lipunang may kayariang hindi pantay ay isang sining sa mga kagaya mong may angkin at kakayahan na bumuhay ng salita na kailangan naman ng mga nais mabusog ang diwa- ako, sila, tayo.

    Isang pagtatangka. Lagi akong magbabalik dito upang matuto.

  2. tulad mo ako ay isang pilipinong namulat sa isang lipunang may kayariang hindi pantay ngunit dahil sainyong pagmamalakit …… isang pagtatangka yakapin ang umuusbong na butil ng kaalaman…

  3. Ang mga manunulat ay tangim pluma lamang ang mahiwagang sandata. Ang bayang ating sinilangan ay puno ng dusa,kabuktutan at kasinungalingan,tanging ang mga nasa poder ng politika at relihiyon ang may karapatan.nawa’y matuto tayo sa literatura upang panlilinlang ay mabawasan di man ganap na masugpo tulad ng korapsyon at krimen,malalaman din ang katotohanan.ang mga tula,sanaysay at mga sulatin ay mabisang panggising sa diwang nahihimbing.sa bayan sa mangingibig,tagahanga at sa mga nakakaunawa.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s