Posted in imperialism, Marxist Aesthetics, militarism, people's war, protest poetry, state terrorism and/or fascism

Harangan man kami ng kanyon at sibat – hinding-hindi kami aatras

Hala! Magsawa kang karnehin
ang bawat naming kasamahan.
Dahil kung inaakala mong kaya mong lalusin
sa pamamagitan ng karahasan
ang mga makabayan –
Nagkakamali ka!

Kung inaakala mong uurungan ng bayag
at kung ano pang dapat umurong
sa terorismong inihahasik mo,
Ikaw na naririyan sa puwesto’t
tagahimod ng pundilyo ng Imperyalismong Amerikano –
Magisip-isip ka.

Dahil harangan man kami ng kanyon
Putukan ng baril, pasabugan ng bomba’t granada

Hindi titigil ang sambayanan para ipaglaban ang kanyang kalayaan - hanggang sa tagumpay - kahit pinapaslang. (Arkibong Bayan)

ng halimaw mong Sandahatahang Lakas at Pulisya –
Tatlong hakbang pasulong – di kami aatras!
Sapagkat habang sinusugatan ang kilusan
Lalong nagiibayo ang lakas at tapang!

Wala sa inyo ang suporta
ng masang sambayanan
Sino sa palagay mo ngayon
ang uurong at aatras –
Ang tuta o ang makabayan?

Unang nalathala sa Facebook, Enero 25, 2010.

Author:

Isa lamang ordinaryong miron at mapangarapin si Noel Sales Barcelona na nagnanais magsulat ng hinggil sa kaniyang nadarama.

One thought on “Harangan man kami ng kanyon at sibat – hinding-hindi kami aatras

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s