Awit sa Amihan (o kung paano ibinabalik ng hanging malamig ang iyong mga ala-ala)

sa tuwing hahagkan mo bulaklak ng damong ligaw nababatid namin muli, magbabalik mga alaala na aming iniligaw sa gubat ng aming isipan. gayon naman talaga babalik multo ng nakaraan kakatok sa pinto ng isipan kakalampag sa bintana ng puso kukutkot sa haligi ng damdamin. ano nga ba, nasa likod ng lamig? bakit kayang buksan pusong nakapinid? padadaluyin ilug-ilogang mula mata hanggang pisngi pakikirutin inaamalang nagtikom … Continue reading Awit sa Amihan (o kung paano ibinabalik ng hanging malamig ang iyong mga ala-ala)

Kung hahagkan kita

kung hahagkan kita hahagkan ko lang mga lábî ng anino mo malamig, manhid katugon ng damdamin ko ngayon manhid subalit nananalanging muli muling makaramdam kahit kaunti kahit katiting sapagkat nasaid na hamog ng pag-ibig sa talulot ng puso ang bukid ng dama’y isang sakahang tuyo bitak ay singlawak ng dagat, kalmadong asul pinipintahan ng pula, kahel ng papalubog na araw. kung hahagkan kita hahalikan ko … Continue reading Kung hahagkan kita