pagtatagpo

hinahabol bawat sandali
na muling mayakap ka’t
masabing: “Ikaw ang pagibig ko,
hanggang sa huli…”

Pagitan

hahayaan kong sumigaw
puso kong namamanglaw
at ihahatid sa iyo ang alingawngaw
nang paulit-ulit mong malamang
tanging pagibig ko’y IKAW…