Paano nga ba sasabihin ang paalam?

agriculture-arable-clouds-countryside

Ang larawan ay mula sa pexels.com. Pinanatili sa may-ari ang karapatang-ari (copyright) ng larawan.

Nang naglilinis ako ng aking kabinet ng mga aklat, nakita ko ang isang lumang tulang naisulat nang ako ay nasa kolehiyo pa. Kung hindi ako nagkakamali, naisulat ko ito mga 13 taon na ang nakararaan. Pagbigyan na ninyo. Harinawang huwag kayong maalibadbaran… Continue reading

Advertisements

Guro

Ang guro ay wala sa mga paaralan
O kaya naman ay nasa laboratoryong
Sinlamig ng hatinggabing walang bituin.
Wala sila sa mga librong mali-mali ang teksto
Na ginastusan ng bilyun-bilyong piso.
Nasa siping sila ng kasaysayan –
Nasa dibdib ng kalyehon at mga kabudukan
Nasa sentido sila ng nakaraan,
at nasa antatao ng bubuksang kamalayan.
Nasa apoy sila ng mga danas,
Nasa dingas sila ng ilawang dati’y aandap-andap
Ngunit ngayon ay sumasabog na liwanag.
Wala sila sa huwad na pagdiriwang–
Nasa agos sila ng umaapoy na digmaan.