pagtatagpo

hinahabol bawat sandali
na muling mayakap ka’t
masabing: “Ikaw ang pagibig ko,
hanggang sa huli…”

Pagitan

hahayaan kong sumigaw
puso kong namamanglaw
at ihahatid sa iyo ang alingawngaw
nang paulit-ulit mong malamang
tanging pagibig ko’y IKAW…

“Distansiya”

Ngunit, tunay nga na masakit, makirot
Na makitang pagsusuyuan tila ba magtatapos
Subalit kagaya ng kasabihan, na sa bawat unos
May araw na sisikat, may bahagharing susulpot…