Posted in Filipino Haibun, Filipino love poetry, love poem, love poetry

Mga Haibun ng Pasada ng Pagibig

Photo from http://thumbs.imagekind.com/1232183_650/UP-Jeepney_art.jpg?v=1390546800
Photo from http://thumbs.imagekind.com/1232183_650/UP-Jeepney_art.jpg?v=1390546800

Gumuguhit sa himpapawid ang eroplanong papunta kung saan. Noong bata pa ako, kahit alam kong hindi naririnig ng sakay ng napakalaking bakal na ibong iyon ang aking pagkaway, sisigaw pa rin ako at magsasabi ng “Babay!”

Sa pagdaan mo,
Puso ko’y tinangay mo,
‘Yon ang totoo.

***

Larawan ng maganda mong mukha ang kumakatkat sa isip ko, nagpapakabog sa dibdib ko. Ay, bakit ba para bang biyaheng patok ang tibok ng puso kong nahihiya naman sa iyong magtanong kung ano ang pangalan mo?

Humaharurot,
Ang tibok ng puso kong
Habol sa iyo.

***

Kahit na walang kasiguruhang madadagit ko rin ang puso mo, gaya nang ginawa mo sa puso ko, susugal ako–maski na mapugto yaring hininga.

Sisirin ko
Ang malalim na dagat
ng pagibig mo.

Author:

Isa lamang ordinaryong miron at mapangarapin si Noel Sales Barcelona na nagnanais magsulat ng hinggil sa kaniyang nadarama.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s