Posted in Filipino love poetry, love poem, love poem in Filipino, love poetry

Idilig Mo Nawa sa Natutuyong Puso ang Tubig ng Iyong Pag-ibig

Fountain of Love by Cherished Memories (as appeared in http://goldenageofgaia.com/2014/12/26/a-fountain-of-love/)
Fountain of Love by Cherished Memories (as appeared in http://goldenageofgaia.com/2014/12/26/a-fountain-of-love/)

Sasahurin ko, kahit na patak lamang
ang iyong alok na pagmamahal.
Sapat na iyon upang matighaw,
Uhaw ng puso kong pintakasi ay ikaw.

Kahit na animo’y hamog lamang
na dagling matuyo sa sikat ng araw,
Sisimsimin ko nang buong kasiyahan
Pagpansin mo sa aking panambitan.

Ngunit sakali mang buksan mong tuluyan
Ang tarangkahan ng iyong pusong inaasam,
Ay! Kahit na malunod nang tuluya’y
Lulundag ako sa balon ng iyong pagmamahal!


Gaya nang dati, ang tulang ito ay inspirado ng episode ng teleseryeng On the Wings of Love, na pinagbibidahan nina Nadine Lustre at James Reid na isinahimpapawid noong ika-15 ng Oktubre 2015 sa Channel 2.

Author:

Isa lamang ordinaryong miron at mapangarapin si Noel Sales Barcelona na nagnanais magsulat ng hinggil sa kaniyang nadarama.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s