Posted in Filipino love poetry, love poem, love poem in Filipino

Hayaang Malasing Ako sa Iyong Pagibig

Photo from http://abstract.desktopnexus.com/wallpaper/833753/
Photo from http://abstract.desktopnexus.com/wallpaper/833753/

Languin mo ako ng iyong pagibig
Hanggang tuluyang malimot ko
Ang aking sarili, at wala nang iba pang
Nasain kundi humimlay sa kandungan mo
at manatili roon hanggang huminto
ang pagikot niyaring ating mundo.

Lasingin mo ako ng iyong yakap
At hayaang mahibang ang pagiisip
Na ang aking araw, ang aking daigdig
ay umikot sa iyong kalawakan.
Na ang tanging kislap ng aking bituin
Ay tanging ikaw, at ikaw lamang…

Lasingin mo ako ng iyong mga halik,
ng mga halik mong nagbabagang tulad
ng araw sa katanghaliang-tapat sa tag-araw–
Hayaang malusaw ang puso’t isip,
Uhawin mo ako sa patak ng iyong pag-ibig,
Ngunit ikaw rin ang tumighaw sa aking pagkasabik.

Languin mo ako ng pait at tamis ng iyong pag-irog,
Hayaang malasing ako at tuluyang makalimot,
Lasingin mo ako ng hiraya ng iyong paglingap,
At hanapin ng puso ang haplos mo at yakap.
Kung sakali mang lason ang paggiliw mong kaysarap
Sa kandungan mo, mahal, masaya akong lalagak…!


Inspirado ito ng nagdaang episode ng teleseryeng On the Wings of Love na pinagbibidahan nina Nadine Lustre at James Reid sa ABS-CBN Channel 2, na iniere noong ika-14 ng Oktubre 2015.

Author:

Isa lamang ordinaryong miron at mapangarapin si Noel Sales Barcelona na nagnanais magsulat ng hinggil sa kaniyang nadarama.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s