Posted in love poem, love poem in Filipino, sad poems

Hindi Lamang Sila Mga Lugar… (Tugon kay Rico [Juan Miguel Severo])*

Larawan ay hango sa mga larawan na matatagpuan sa Microsoft 8 pictures
Larawan ay hango sa mga larawan na matatagpuan sa Microsoft 8 pictures

Hindi lamang sila mga lugar, hindi–
Kundi mga musoleo ng mga ala-alang
Gulagulanit, punit-punit
Na pilit na binubuo sa gunita.

Kaya huwag mong sabihin
na mga lugar lamang sila
Sapagkat bawat lansanga’t mga eskinita
Ay pawang nagtatago ng isang piraso ng mga ala-ala.

Na ang bawat parke, ang bawat gusali,
maging ang baybay-dagat at ang upuang bato,
Ay mga tagaalingawngaw, tagaalingawngaw
ng mga alaalang wumawasak sa puso:

Ang mga halakhak niyang parang awit ng maya sa tag-araw.
Ang mga ngiti niyang sintamis ng hangin sa panahon ng tagginaw.
Ang mga mata niyang sumasalamin sa lihim mong mga panaginip.
Ang bawat kilos niyang animong sayaw ng gumagalaw na daigdig.

Kahit ayaw mong alalahanin,
Kahit ayaw mong isipin,
Ang mga lugar na tagpuan ninyo’y pawang
Tagapaggunita ng isang matamis na kahapon,
Ng pinagsaluhang mga pangarap,
Ng mga hagikhik at hagakhak,
Ng mga halik na kay init, kaysarap,
Ng mainit na mga yapos at yakap,
Ng mga luhang pumatak,
At ng mga salita ng pahimakas…

Hindi, hindi sila pawang mga lugar lamang
(Kahit pa ipaalalang paulit-ulit sa sarili)
Kundi sila’y mga musoleo na himlayan
Ng mga buto ng alaala ng inyong pagmamahalan…

(Ang tulang ito ay naisulat, bilang di-tuwirang tugon sa tula ni Juan Miguel Severo, ang gumaganap na Rico, sa On The Wings of Love, isang seryeng pantelebisyon ng ABS-CBN 2).

Author:

Isa lamang ordinaryong miron at mapangarapin si Noel Sales Barcelona na nagnanais magsulat ng hinggil sa kaniyang nadarama.

One thought on “Hindi Lamang Sila Mga Lugar… (Tugon kay Rico [Juan Miguel Severo])*

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s