Posted in love poem in Filipino

Hinding-Hindi Kita Lilimutin…

Photo from https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/8/85/Parting_of_ways_-_geograph.org.uk_-_1103443.jpg
Photo from https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/8/85/Parting_of_ways_-_geograph.org.uk_-_1103443.jpg

Iuukit ko nang malalim na malalim
sa pinakapader nitong aking damdamin
pangalan mo na simbini ng takipsilim,
sintamis ng hanging nahalik sa baybayin…

Ipipinta ko sa pader nitong gunita,
larawan ng maganda, maamo mong mukha,
Sa baul iipunin mga ala-ala
ng pagsusuyuan, ng wagas na pagsinta.

Nang sa gayon, kung sakali man na dumating
Masaklap na araw ng paghiwalay natin,
Itong pusong sugatan ay may masasaling,
Gabok ng kahapong pinagsaluhan natin.

Bakit ba sumasapit minsan ang panahon,
Kailangang huminto ang apoy at daluyong?
Bakit ang pagibig minsan ay isang lason,
Bukas na libingan, tahimik na pantiyon?

Gayunman, sakaling dumating ang panahon,
Nasa pusong pagibig, ayaw nang mag-apoy,
Abong natira ng matamis na kahapon,
Sa tapayang ginto, isisilid ko roon…

Upang magunita na minsan, isang araw
Isang panahong, abot pa niyaring tanaw–
Na naging akin, pagsinta mo’t pagmamahal,
At ikaw rin nama’y inibig kong lubusan.

Author:

Isa lamang ordinaryong miron at mapangarapin si Noel Sales Barcelona na nagnanais magsulat ng hinggil sa kaniyang nadarama.

2 thoughts on “Hinding-Hindi Kita Lilimutin…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s