Posted in love poem, love poem in Filipino, love poetry

“Distansiya”

Picture from: http://urbanbushbabes.com/wp-content/uploads/2012/10/long-distance-relationship1.jpg
Picture from: http://urbanbushbabes.com/wp-content/uploads/2012/10/long-distance-relationship1.jpg

May mga bagay na dapat na mawala
Para malaman ang tunay na halaga.
May oras ng pag-iwas, ng paglayo
Para mahanap ang panahon ng muling pagtatagpo.

May panahon ng pagkawasak, pagguho
Para muling may maitayo, mabuo.
May panahong aandap-andap[i] ilawan ng pagsuyo
Na sa isang ihip ng hangin, agad na maglalaho…

May panahon na ang yakap na sing init ng araw
Ay dapat na manlamig, parang hanging amihan
Upang sa susunod, para itong dapog,[ii] isang dap-ayan[iii]
Na kahit basang kahoy, magdirikit, madadarang…[iv]

Ngunit, tunay nga na masakit, makirot
Na makitang pagsusuyuan tila ba magtatapos
Subalit kagaya ng kasabihan, na sa bawat unos
May araw na sisikat, may bahagharing susulpot…

Ang tulang ito, muli, ay halaw sa episode ng On The Wings of Love na #OTWOLDistance, na pinagbibidahan nina James Reid at Nadine Lustre.


[i] Aandap-andap, flickering sa Ingles.

[ii] Dapog, tungko, kalanan, pugon (oven)

[iii] Dap-ayan, bonfire.

[iv] Madadarang – mag-iinit.

Author:

Isa lamang ordinaryong miron at mapangarapin si Noel Sales Barcelona na nagnanais magsulat ng hinggil sa kaniyang nadarama.

One thought on ““Distansiya”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s