Posted in Uncategorized

Dapat nga bang pasibulin itong mga damdamin?

Photo from: http://www.shakespeare-revue.com/img/romeo_jules_title.jpg
Photo from: http://www.shakespeare-revue.com/img/romeo_jules_title.jpg

Kung bakit nga ba pinagtagpo kayo
sa hindi tamang lugar at panahon.
Bakit sa maling panig nitong Paraiso
Binhi ng pagibig, doon umusbong?
Kung kailan rosas ay nagbuko’t yumabong
Saka sasalantahin ng uod at sama ng panahon?

Ay! Bakit nga ba kung kailan nagtagpo,
Ay doon din naman kailangang maglayo?
Kung kailan sa puso’y bumalong ang pagsuyo
Saka aampatin ng pagsintang mapanibugho
ng dating pinagsanglaan ng butihing puso–
Ay, kaysaklap naman, daranasin pagkabigo…

Marahil nga, hindi seguro ang pagmamahal,
Lalo pa’t umusbong sa panahon ng kalituhan.
At nang matiyak na ang pagsinta ay tunay
Saka tutuldukan dahil sa pangakong binitiwan–
Bawal na mahulog sa isa’t isa ang kalooban,
Bawal na pasibulin binhi ng pagmamahal…

BAWAL. BAWAL NA BAWAL.
KAYA DAPAT NA HADLANGAN
KAYA DAPAT IBAON SA LIBINGAN
ITAPON SA DAGAT AT NANG MALIMUTAN
ANG SIGAW NG PUSO, HIYAW NG ISIPAN
SAPAGKAT ANG IBIGIN ANG ISA’T ISA’Y
ISANG MALAKING BAWAL…

Ngunit paano nga ba pipigilin, alon ng dagat
Paano huhulihin ang hangin at alapaap?
Paano ikukubli ng bituin ang sariling kislap,
Paano mo palalamigin ang tanghaling tapat?
Paano mo tuturuan ang puso ay umiwas
Kung pagibig na alok, lantay, puro at walang sukat?

Ay!
Ay!
Ay!

Datapuwa’t gaya ng tubig sa maalong dagat
Hadlangan man, sa pampang, hahampas.
Gayundin kaya itong mga pusong pinagtiyap,
sa maling panahon, sa krus na landas?
Ipaglalaban kaya, harangan man ng sibat–
Itong kanilang pagibig na bagong namumukadkad?

N. B. Naisulat ko ang tulang ito dahil sa mga tagpo ng popular na teleseryeng “On The Wings of Love,” na pinagbibidahan ng dalawa nating kaibigan, na sina Nadine Lustre at James Reid. Bagaman nababatay sa palabas na “fictional,” o kathang-isip lang, nalalaman ko na marami ring dumaranas ng ganitong “dilemma” pagdating sa pagmamahal. Pagbigyan na po ang aking pagkahibang.–N.S.B.

Author:

Isa lamang ordinaryong miron at mapangarapin si Noel Sales Barcelona na nagnanais magsulat ng hinggil sa kaniyang nadarama.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s