Posted in Uncategorized

Anim na taon na pala ang kahibangang ito…

Nabubuhay ako sa pagsusulat. Mamamatay rin siguro akong nagsusulat... - Noel Sales Barcelona
Nabubuhay ako sa pagsusulat. Mamamatay rin siguro akong nagsusulat… – Noel Sales Barcelona

Noong Hulyo, nag-anim na taon na ang Sigliwa. Anim na taon ng pagtatangkang isulat kung anuman ang nakikita, naririnig, nararamdaman, nalalasahan, at naaamoy ko–literal man o simbolikal.

Natutuwa ako, na matapos ang ilang panahon ng pamamahinga, muli na naman siyang nakakahinga. (Ngayon ko lang ulit siya nagalaw, marahil dahil naghahanap din ako ng pagkakaabalahan. O baka naman muling nagbabangon ang Musang matagal nang nahimbing?)

Sisikapin kong muling ibalik ang sigla nitong muting kong blog.

Sisikapin kong higit na pag-igihin ang pagsusulat. Hasain ang aking mga salita nang maging patalim na maaaring sumugat–o bumakbak–sa balat ng ating puso’t isipan.

Dahil, kung minsan, kailangang talasan ang mga salita at nang magamit na pambusbos (surgical knife) sa kalamnan ng puso’t isipan.

Subalit aaminin ko na nabibihag pa rin ako ng matatamis at malulungkot na mga salita. Siguro, dahil ang manunulat ay mangingibig din.

Kung kaya, panaka-nakang makikita ninyo ang ilang kakatwang bagay sa blog ko: gaya ng tula at salaysay ng pagibig.

Pero gaya ninyo rin, mayroon din akong takot na namamahay sa aking dibdib. Kaya maaaring makabasa kayo ng mga kuwentong kababalaghan at katatakuntan.

Gayunman, anu’t anuman, nagpapasalamat ako na inyong napagtitiyagaan ang aking kahibangan…

Author:

Isa lamang ordinaryong miron at mapangarapin si Noel Sales Barcelona na nagnanais magsulat ng hinggil sa kaniyang nadarama.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s