Posted in Uncategorized

lumbay sa kawing ng mga ala-ala

Noong nagtuturo pa ako ng Filipino sa hindi marunong mag-Filipino (karamihan ay dayuhan o dili kaya’y mga Pilipinong lumaki sa ibang bansa), isa lamang sa aking mga mag-aaral ang nakintal nang malalim sa pahina ng aking gunita–siya na ang pangalan ay singtamis ng pagibig na dalisay na alay ng isang tunay na nagmamahal.

Paanong hindi? Sa tuwing titingnan mo ang mga mata niya, makikita mo ang kinang ng kabutihan ng loob at ang tunay na pagpapakumbaba. Sino baga ang hindi mapalalapit sa napakaganda at napakabait na dalagita? Walang halong pagnanasa, walang halong kung anumang nakapagpaparumi ng isip at kaluluwa: subalit hindi ko na siya malilimutan siya kahit pa sabihin ako’y nalimot (o nilimot?) na niya.

Malungkot akong maligaya … malungkot sapagkat hindi ko na makikita pa ang kaniyang pagtatagumpay sa kung anumang larangang tinahak niya (sa huling sulyap ko sa kaniyang Facebook account na hindi ko na rin ngayon matagpuan, siya’y nasa isang sikat na sikat na pamantasang pampubliko at kumukuha ng Fine Arts. Nabalitaan ko rin na naging opisyal siya ng konseho ng kaniyang kolehiyo subalit nagbitiw rin…). Masaya dahil alam kong kahit kailan hindi na ako magkakaroon ng mag-aaral na kagaya niya: mabait, marangal, matalino, maganda, mapagpakumbaba, marunong, maalam… kahit pa nga sabihing siya’y may kahinaan subalit napakatibay ng kaniyang dibdib…

Hindi na kita papangalanan… at sasabihin ko sa iyo na malilimot ang iyong mukha at pagkatao na kagaya ng palayaw mo’y tunay na kay tamis, talaga namang napakadalisay. Dalangin kong magtagumpay ka at makamit mo lahat ang iyong pinakaaasam-asam. Lubhang ikinararangal kita… [Muling inyos noong ika-5 ng  Pebrero 2o15; alas-12:03 n.u.]

Author:

Isa lamang ordinaryong miron at mapangarapin si Noel Sales Barcelona na nagnanais magsulat ng hinggil sa kaniyang nadarama.

2 thoughts on “lumbay sa kawing ng mga ala-ala

  1. tamang maging maligaya na lamang tayo sa tagumpay ng taong minsa’y naging kaulayaw ng gunita’t puso natin, nakalimot man ang taong iyon, darating din ang panahon, (wag lamang papalalo sa tagumpay na tinatamasa) aasal sila ng panalangin at pasasalamat sa mga tao at bagay na sa kanilay nagbigay ng munting tulong.. :

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s