Posted in poverty, short story, social injustice, social realism, women and poverty

Salakab ng Pluma: “Roma”

sino nga ba silang nasa naeskaparate ng kapalaran kagaya ng sorbetes na tayo ay pinatatakam?
sino nga ba silang nasa naeskaparate ng kapalaran kagaya ng sorbetes na tayo ay pinatatakam?

“SUKI! Psst!” sabi ng puta sa likod ng elektronikong lamparang nasa likod ng bintanang tila eskaparateng nilagyan lamang ng manipis na kurtina para hindi makita kung ano ang milagrong nasa likod ng kapilyang iyon ng mga Magdalena.

Sinlagkit ng sorbetes ang kanyang tingin. Labas ang kuyukot para marahuyo ang mga parukyanong parang ahas kung makapulopt at parang alupihang makalapang sa mumurahing alindog.

“Magkano?” tanong ng barako sa bebot na halos luwa ang kaluluwa sa ikli ng suot.

“Isang libo,” pakli nito. Tila napaso ang lalaki sa itinuring na presyo. Parang paninda ang sariling kusa nang tinuringan ng presyong barat. “Sige, 700. pero isang putok lang. At hindi puwedeng walang supot.”

***

Bago siya napadpad sa lugar na iyon, bata siyang nangangarap. Nakita niya sa peryodiko ang larawan ng mga bagong tapos ng medisina sa isang eksklusibong paaralan sa Maynila. Salakab ng kamera ang katuwaan ng duktor na kasama ng kanyang tuwang-tuwang mga magulang.

“Para kang natuka ng ahas diyan. Namamaligno ka ba?” tanong ng kanyang inang hukot na sa paglalabada.

“Wala po Ina,” pakli niya. “Nakatuttuwa lamang itong larawan sa peryodiko. Kailan kaya ako magiging ganito?” sabay turo sa nakaputing babaing nakapagitna sa nakangiting lalaking nakabarong at babaing nakasaya.

“Wala tayong pera, anak. Kumuha ka na lamang ng bokasyonal at pagsumikapan mong makatuntong sa kolehiyo. Sa bayan, mayroong paaralang nag-aalok ng libreng kursong pang-modista at pang-beautician. Iyon na lamang muna, anak, pasensiya na,” sabay yakap sa bunsong nangangarap na makatapos.

Tila ahas na dahan-dahan ang gapang ng kanilang buhay. Alam niya, sa kanyang puso, na hindi niya matutupad ang kanyang pangarap nang madalian.

***

“Naku, hindi makukuha ng pameykap-meykap yang pangarap mo,” sabi ng bading na naging suki na niya sa parlor na pinasukan niya sa Maynila.

“Ang alupihan, madaling makakuha ng malalafang, e ikaw? Ilang patay na kuko at ilang buhaghag na buhok ang gagawin mo para lamang makapagkolehiyo? Mayroon akong alam na trabaho. Madali lang at mabilis ang dating ng anda. Kung magagawa mo, tiyak makapagkokolehiyo ka.” Mahiwaga ang ngiti ng baklang suki ni Roma sa parlor na iyon sa isang sulok ng Maynila.

***

Iba-iba na ang nagpasasa sa kanyang alindog: may barakung-barako. May tila alupihang kaydaling sumimsim at mawalan ng gulugod kapag sinimulan nang karinyuhin ang kanyang mala-sorbetes na katawan na ang sabi nila’y may kakaibang tamis na hatid, na may kung anong kilabot na umaabot sa kanilang kuyukot kapag sinasakyod na nila ang munting hiyas ni Roma.  May tingin sa kanyang serbisyo ay hindi maiwasang medisina na gamot sa kanilang pagkalungkot.

Mayroong eksihibisyunista, mahilig na salakabin ang bawat sandali sa lente ng kanilang kamera. Kahit ipagbawal niya, tila mga paparazzi sa peryodiko na malaswang itinitinda sa kanto ni Manang Berta ang pagpitik sa alindog niya ng sandali niyang mga bisita sa iba’t ibang otel at motel na nakapalibot sa bahaging iyon ng Quiapo at Sta. Cruz sa Maynila, sa Pasay at Quezon City.

“Ung, ung, ung!” ungol niya habang patuloy sa paguurong-sulong ang kahabaan ng sandata ng lalaki sa kanyang lagusan. Sa isip niya, kailangang pagbutihan at nang makakuha ng malaki-laking kuwarta mula sa kaban ng lalaking ngayon ay nagpapasasa sa kanyang katawan.

Hindi naman siya nabigo. Sa halip na maliit na halagang itinuring, dinagdagan ng lalaki ang perang inilagay sa bulsa ng kanyang paldang nakalagay sa ibabaw ng mesitang kilalagyan ng lampara.

Nang matapos ang lahat ng mga ritwal at arganas, sa pagtapat niya sa dutsa ay parang tubig din na umagos, nang hindi niya namamalayan ang kaniyang mga luha. Kayhirap palang mangarap ng dukha. Maraming dapat isakprisiyo sa altar ng lipunang ito na umiiral ang nakasusulukasok na hindi pagkakapantay-pantay. Subalit wala siyang magagawa. Salikop na rin ang buong pagkatao niya ang buhay na iyon at alam niyang sa bandang huli, parang larawan sa kamera, mabubunyag din – parang mga sulating kontrobersiyal sa peryodiko – ang pinakatatago niyang mga lihim. At isa pa,  hinahanap na rin ng kanyang kalamnan ang bawat ulos at ulaol, ang bawal na mga pagniniig…

Ngunit sa kanyang isip ay umaalingawngaw pa rin ang tanong kung handa na ba siya kung sakaling mabubunyag ang pinagkakatagu-tago niyang mga lihim. Ipinilig niya ang ulo at iwinaksi sa isip ang gayong mga pangitain. Napatanghod siya sa isang sulok ng paliguan at nakita niyang sakmal ng alupihan ang isang ipis na hindi na magawang makakawag. Pakiramdam niya, siya ang insektong iyon—sagpang ng bunganga ng ahas na kung tawagin ay “situwasyon”. Ang masaklap, hindi pabor sa kanya ang mga bagay-bagay, at alam niya na kahit hubarin niya ang balat ng nakaraan—na parang ahas sa damuhan—ay hindi na mababago pa ang tingin sa kanya ng mga matang makasalanan din naman.

***

Tinapos na niya ang ritwal ng paglilinis ng katawan. Muli, humalimuyak ang kaniyang pagkatao na medisina sa iba, subalit lason ng alupihang na nakapagpapamaga ng sariling kalamnan. Ngunit nababatid kong hindi lamang siya nagiisa. Marami pa silang kuwentong maaaring salakabin ng aking pluma. Subalit sa ngayon, si Roma na lamang muna ang siyang sentro ng ating kamera, ng anino ng aandap-andap na lampara sa may kanto ng karanasan ng ating pagliliwaliw sa iba’t ibang sulok ng Maynila…

Ito ang aking lahok para sa Bagsik ng Panitik 2013 ng Damuhan: Blog ng Pinoy, Tambayan ng Pinoy.

427759_4314133731069_482093267_n

Author:

Isa lamang ordinaryong miron at mapangarapin si Noel Sales Barcelona na nagnanais magsulat ng hinggil sa kaniyang nadarama.

4 thoughts on “Salakab ng Pluma: “Roma”

  1. Ano pa nga ba Noel

    Medisina sa hayok kong isip ang isinulat mo pero umaantak din naman kapag napalingon ako’t mapagmasdan ang “Roma”. Nagmumura ang sitwasyon, napipinid kapag urong-sulong nang bumabayo ang saglit na pulandit ng masasayang yugto ng mga kalamnang pinagtatagpo at inihihiga sa kumot ng mga pangangailan..dahil kailangan..dahil sa gusto at mga pangarap.
    🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s