Posted in Uncategorized

Quiapo

Salakab ng ganda at kapangitan
Nakabalatay sa puso ng lungsod
Lunan ka ngang tagpuan
ng kaluluwa at ng pusod.

Sa mga kaluluwang ibig ng milagro,
Nariyan ang negrong Nazareno
Sa katawang makamundo
Nariyan sila sa sulok mo’t kanto…

Sino ang hindi mamangha
Napagtagpo mo ang dalawa—
Ang kuro at sampalataya
Nagawa mong maging isa.

Quiapo, Quiapo, Quiapo—
Aling lugar ang tulad mo?
Ingay ng kaluluwa at ng puso
Ang siyang inaawit mo.

Quiapo, Quiapo, Quiapo—
Aling lugar nga ang tulad mo?
Hiwaga niyaring buhay sa mundo
Ang bugtong na usal mo.

Oh, Quiapo, Quiapo, Quiapo!
Ang sangsang at halimuyak mo—
Ang bumabaliw, nagpapaliyo
Sa isipan ng tulad ko…
Aling lugar nga ba ang tulad mo,
Oh, Quiapo, Quiapo, Quiapo?

Antipolo, Rizal
Setyembre 21, 2012

 

 

Author:

Isa lamang ordinaryong miron at mapangarapin si Noel Sales Barcelona na nagnanais magsulat ng hinggil sa kaniyang nadarama.

One thought on “Quiapo

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s