Posted in Other, poem

Papuri sa Bánal na Santa Cruz ni Jesucristong Mahal

Sa bundok ng Golgotha, marami ang nakasaksi
Sa hirap mo Poon, upang iligtas ang marami
Hubu’t hubad kang ibinitin, aming Pintakasi
Nilang mga uslak, silang walang pagkasi!

Ilang oras Kang nakabitin sa kahoy na Krus
Tila ba nag-iisa, labis ang pagkabusabos!
Kaya nausal Mo noon, “O Diyos, O aking Diyos—
“Ano’t Iyong pinabayaan, yaring iyong Lingkod?”

Nguni, matapos nga ang lahat Mo na paghihirap
Bago ang higit ng hininga’y unting nakakalas—
Sa Amang banal, na Puno ng tunay na Paglingap
Iyong habilin ang Kaluluwang puro at wagas…

Higit dalawang libong taon, nang iyo’y maganap
Tanging naiwang tagapagpaalala ng hirap
Ay ang Kahoy na Krus, narito sa aming harap
Na tila may bakas pa ng Inyong binatang antak.

Sa tuwing titingalain, ang krus Mo, o Poon—
Nababatid namin, hindi nga kami maluluoy
Doon sa Tartarong sakdal init ang baga’t apoy
Walang hanggang parusa, matindi nga na paghatol!

Krus mo, o Panginoon, tangi nga naming tangan,
Tila ilawang tanod sa aming nilalakaran.
Nawa’y huwag ipalimot, sa aming naglalakbay
Kaharian mo nga ang lunang tanging pupuntahan!

Author:

Isa lamang ordinaryong miron at mapangarapin si Noel Sales Barcelona na nagnanais magsulat ng hinggil sa kaniyang nadarama.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s