Posted in Other, poem

Isang Tula para sa Dalagang Bisaya

Kahiwagaan kang walang kahulirip,

Ada[1] ka bang dalaw sa aking panaginip?

Tunay ngang bugtong kang ukilkil sa isip

Rompecabezas,[2] sa hangin nakatitik.

Inip na inip ako sa ‘yong pagdating

Nais ko ang oras, ay agad pabilisin—

At nang magkahuntahan nga tayo mandin

Balitaktakan[3] sa kani-kaniyang kiling.

Aminin ko na nais kitang kausap

Lambing ng titik mo, aking hinahanap…

Oya[4] ka bang gayuma ang hawak-hawak

Nakapagpapalango sa aking utak?

Eva kang tunay ngang walang pangalawa

Sa rikit, sa talino, walang kapara;

Kaibigang kay tamis, tunay na Bisaya

Alam kong sa tugmang ito’y tatawa ka!


[1] Diwata, lambana, engkantada

[2] Bugtong o puzzle sa wikang Español

[3] Debate, pagtatalo, pagkakatuwiranan

[4] Diyosa ng kailugan sa relihiyong Santeria, na katutubo naman sa Kanlurang Africa (Nigeria)

Author:

Isa lamang ordinaryong miron at mapangarapin si Noel Sales Barcelona na nagnanais magsulat ng hinggil sa kaniyang nadarama.

3 thoughts on “Isang Tula para sa Dalagang Bisaya

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s