Posted in Other, poem

Suman, kasuy at iba pang mga alaala

Ang Katedral ng Antipolo (www.antipolocity.com)

Hindi ko alam kung nagkukukot ka nito
Ni nakarating ka na ba rito sa amin
Basta’t alam ko, sa tuwing napadadako
Sa kabayanan, ala-ala mo’y tila nasa kakanin.

Sino ang makalilimot sa tamis
Ng manggang ginto ang kulay?
Tila baga puso mong marikit
Na puno at nag-uumapaw sa pagmamahal.

Ang linamnam ng kasoy at balubad
Na ang tamis at maging ang karhat
Ay tila tamis-pakla na walang katulad
Ng ala-ala mong sa isip ay napapadpad.

Lingkis-lingkis na tila dahon sa ibos
Ang pusong naghihintay ng inulilang yapos;
Tila kundima’t ponebre ang tunog
Ng kampana sa Katedral ng Inang Iniirog.

Ngunit ‘di lamang sa pagkaing nakabubusog
Naalala ko, mahal ang iyong alindog;
Kundi maging sa lansangang naglalagos
Sa pinakapuso ng Antipulong lungsod.

Bakit ganoon? Lagaslas ng Taktak
Anaki’y tunog ng matinis mong halakhak?
Ay! Bakit nga ba sa tuwing lilipad ang tagak,
Sa pinagmisahan ay ala-alang nagpugad?

Kaya nga, tuwing Orasyon tangi kong dasal
Sana’y ang iyong mukha ,muling masilayan;
Madaop ang palad mo, sa Misang Banal
Parangal sa kabutihan ng Birheng Mahal.

Kailan kaya mangyayari itong aking nasa?
Sana’y sa panahon ng Peregrinong Dakila;
Tatagpuin kita sa lilim ng tipulong mahiwaga
Siyang pinagbuhatan ng mito’t talinghaga…

Author:

Isa lamang ordinaryong miron at mapangarapin si Noel Sales Barcelona na nagnanais magsulat ng hinggil sa kaniyang nadarama.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s