Posted in love poem, poem

Hinahaplos Ako Ngayon ng Iyong mga Ala-ala

hinahaplos ako ng iyong mga alaala
sa tuwing nag-iisa
tuwing humahalik ang karimlan
sa kaulapan kada takip-silim
maging sa pagputok ng araw
sa pagbubukangliwayway,
hinanaplos ako ng iyong mga alaala.

dala nito’y kaligkig at nginig
munting kirot (subalit kaylalim),
sundot sa dibdib, hilam sa mga mata.
subalit
gustung-gusto ng aking gunita
haplos ng iyong mga alaala.

bakit nga ba sa tuwing itinataboy
bumabalik silang parang mga alon
hahampas sa dalampasigan ng gunam-gunam
tatangayin gasag at buhangin
ng umaantak na isipan.
gayunman
patuloy kong daramhin
haplos ng iyong mga alaala
kahit magmantsa pa sila
parang pasa sa aking puso’t gunita.

Author:

Isa lamang ordinaryong miron at mapangarapin si Noel Sales Barcelona na nagnanais magsulat ng hinggil sa kaniyang nadarama.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s