Posted in Other, poem

Macho*

Timon ka, ikaw rin ang bangka

Haligi ka, oo, ikaw rin ang atip

Ikaw ang kisame, ang dingding, ang sahig—

Aba! Ano ka nga ba?

Tanggulan, tapangalaga, ang malakas

Ngunit nasaan nga ba ang ‘yong ganda?

 

Bawal diligin ng luha

Nagsibol na sakít, kirot sa dibdib

Oo, dapat na pigilin ang perlas sa mata

Sa kaniyang pagtigis…

Bawal ang madapa! Bawal!

Kailangang parating malakas ang bisig.

Huwag turuan ang sarili na mahina

Ang pag-iisip.

Pagka’t Adan ka, Adang dios at katig

Ikaw ang katubusan niyaring mahunang daigdig!

Ngunit…

 

Hindi ba’t ang dios sa alamat at awit,

Panahong may kahinaan, may lamat ang tinig?

Bakit asahan laging matibay ang dibdib

Samantalang sa lupa, sa putik

Niyari ang puso’t isip

Na nagbibitak sa panahon ng tag-init,

Nilulunod din sa panahon

Na ang ulan ay tikatik…

———————

* Naisulat at binigkas sa isang palihan hinggil sa Banal na Pagkalalaki (Sacred Masculine) sa Ripples Books and Gift Shop sa Robinson’s Galleria, Quezon City noong ika-19 ng Agosto, 2012. Salamat kay Jesus E. Dacillo, Ph. D. ng Miriam College at Asian Social Insitute sa napakahusay na pagpapagulong ng seminar na ito. – NSB

 

Author:

Isa lamang ordinaryong miron at mapangarapin si Noel Sales Barcelona na nagnanais magsulat ng hinggil sa kaniyang nadarama.

One thought on “Macho*

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s