Posted in poem

Hindi Ako Makata

Hindi po ako makata
Naglulubid ng salita
Isang mapangarapin lang
Kaluluwang nahihibang.

Salita ko’y walang bisa
‘Di tulad ng akala.
Wika ko’y bunton ng bula
Sa hangin ay nawawala.

Ayaw kong maging poeto
Sa tore ay nag-iisa;
Ibig ko ay bagamundo
Naglalakbay sa tuwina.

Sa balana’y makilakbay
Iyan nga po ang ibig ko;
Kaya huwag pong putungan
ng lawrel ang aking ulo.

Hindi nga ako makata,
Isang mata nga lamang;
Na nakatitig kapuwa
Sa balintuna at tunay.

Kaya huwag nga po, huwag!
Suubin ako ng papuri…
Gayundin nga, huwag, huwag
Makata, sa akin ibansag!

Author:

Isa lamang ordinaryong miron at mapangarapin si Noel Sales Barcelona na nagnanais magsulat ng hinggil sa kaniyang nadarama.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s