Posted in environment and environmental issues, poem

Delubyo (Tula sa Panahon ni Habagat)

larawan mula sa solarnews.com

Sampu, sampu na araw na singkad
Luha ng langit ay pumapatak
Bawat butil, lason at panglanggas
Sa sugat ng mundong nagnanaknak.

(Linanggas ng ulan, sugat bitak
Lupang uhaw sa tanang paglingap.
Iniahon basura at layak
Mula matris ng ilog at dagat.)

Linamon lungsod at kaparangan
Linunod pangarap at pag-asam
Hanging malamig, tila nagduyan
Sa gunam, patungong kamatayan!

Sakunang naganap, ‘sang pagunita
Na ang ating buhay, parang bula
Iiral ngayon, bukas ay wala
Tuwa sa ngayon, bukas ay luha.

Gayundin naman, ito ay isang aral
Bawat utang pinagbabayaran!
Hasik na lagim sa kalikasan
Lagim ang ani, kinabukasan!

Lungsod ng Antipolo, Rizal; Ika-10 ng Agosto, 2012

Author:

Isa lamang ordinaryong miron at mapangarapin si Noel Sales Barcelona na nagnanais magsulat ng hinggil sa kaniyang nadarama.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s