Posted in love poem

Sa tuwing giniginaw mga alaala

yapos ng gabi, itong kalul’wa
gabing walang tala, ni bituin
buwang maningning ay nahihiya
kaya inibig kumutin ang dilim.

kapag nagsimula nang mangiki
espiritu ko na nananamlay
magugunita ang iyong ngiti
habang ako’y nagpapahingalay

manunuot sa tainga ng isip
halakhak mong kaylakas, kaytinis.
magugunita, ganda mo’t rikit
damdam sa balat, hinga mo’t init.

gayunman, yapos ay pangarap lang
anino mo tanging kaulayaw
na dagling tatakas, malulusaw
iiwan, puso kong giniginaw.

Author:

Isa lamang ordinaryong miron at mapangarapin si Noel Sales Barcelona na nagnanais magsulat ng hinggil sa kaniyang nadarama.

2 thoughts on “Sa tuwing giniginaw mga alaala

  1. Nakatutuwa sapagkat bihira na lang ang mga nababasa kong gumagamit ng sukat sa kanilang mga tula. Madalas kasi na s-sway na sila sa malayang taludturan. Nalito lamang ako sa ikalawang linya ng unang saknong. Ang pagbasa ko kasi ay ‘wala nang tala, kahit bituin.’ Naging redundant siya sa tingin ko. Parang wala na ngang tala, wala pa ring bituin, hindi ba’t iisa lamang sila? Ngunit gusto ko ang tono, sapagkat napaiigting pa nito ang pagiging ‘mag-isa’ at ‘panlalamig’ ng persona. Nagustuhan ko rin ang imaheng ‘paglusaw ng anino’ sapagkat nagpapabigat pa ito sa ‘dilim’ na nararamdaman ng persona. Ngunit para sa akin mas magiging mabuti kung mapapabigat pa ang ‘dilim’ at ‘lamig’ na ito upang mas maramdaman pa ng mamababasa ang lungkot ng pag iisa.

    1. Salamat po sa mga puna, uppershelf21. Muli nating rerepasuhin ang ating tula at titingnan kung ano pa ang ating magagawa. Salamat at pagpalain po kayo!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s