Posted in critical essay

tinig

larawan mula sa http://www.uvm.edu/llcenter/emptybowls/ (kanila ang karapatan)

Anila, ‘Vox populi, vox Dei’ — ang tinig ng sambayanan ay tinig ng Maykapal.

***

Patuloy na rumaragasa ang karalitaan, kasalatan, kagutuman. Sabi ng tinig ng nasa Malakanyang — umuunlad ang ekonomiya ng bayan. Puro estadistika. Hindi naman sumasayad ang inihahayag na bahagdan ng paglago [diumano] ng pambansang kalagayan sa sikmura ng 4.5 milyong pamilyang Pinoy sa Luson, sa Bisaya at Mindanaw. Ano ang silbi ng numero kung hindi naman ito nahihimod man lamang ng dila ng nakararaming batang nakababad sa malnutrisyon?

***

Nitong nakaraang State of the Nation Address (SONA), maraming magagandang bagay ang sinabi ng naghahari sa Malakanyang. Pero bakit marami pa rin ang naninirahan sa kalsada, salat na salat sa pagkain, at nagdurusa? Bakit marami pa ring magsasaka ang walang sariling lupang sinasaka, mamamalakayang walang sariling lambat pangisda, at maraming obrero pa rin ang walang-wala? Sabi niya, malaki ang inilaang badyet sa edukasyon pero bakit napakarami pa rin ang dropouts, napakarami pa ring kulang na upuan, silid-aralan at marami pang ibang kinakailangang gamit sa eskuwela? Kung ekonomista siyang talaga, marahil, nalalaman niya ang pagkakaiba ng halagang nominal sa halagang real, ‘di ba?

***

Anang nasa estado poder, nakikinig sila sa tinig na umaakay sa pagunlad ng bansa… Hmn… maitanong ko lang: E kaninong tinig kaya sila nakikinig: sa masang sambayanan o sa kapitalista’t asenderong nagpapakabundat sa yamang nalilikha ng bayan? Batu-bato sa langit, ang tamaan, huwag magagalit!

***

Sumisigaw ang mga obrero ng makabuluhang taas-sahod. Ang mge empleyado, gayundin.

Author:

Isa lamang ordinaryong miron at mapangarapin si Noel Sales Barcelona na nagnanais magsulat ng hinggil sa kaniyang nadarama.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s