Posted in love poem, poem

Sining ng pagsasaing (2)

Piliin binlid at ipa
Bato, iba pang ‘basura’
Tahipin kung uubra pa
Para linis na linis na.

Takalin mo at kipilin
Nang huwag masayang mandin
Matapos mo na isalin
Paghuhugas, pag-igihin.

Kung de-kuryenteng lutuan
‘Di kailangang bantayan
Pero, dapat ding ingatan
Nang hindi matututungan.

Kung sa kaldero isalang
Dapat mo itong bantayan,
Baka masunog, mahilaw
Kaya apoy, atay-atay.

Tulad ito ng pagsinta
Dapat sapat, dapat tama
Labis-labis ay masama
Kung kulang ay ‘di rin tama.

Kung masusunog ng dusa
O masasanaw ng luha,
Masasayang, mawawala
Sa basurahan ang punta…

Author:

Isa lamang ordinaryong miron at mapangarapin si Noel Sales Barcelona na nagnanais magsulat ng hinggil sa kaniyang nadarama.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s