Posted in Uncategorized

Hibik ni Inang Gaia

larawan mula sa internet

Sa alabok (lupa) ka nagmula, ay doon ka rin babalik. (Genesis)

HUMIHIBIK ANG Inang Daigdig.
Puro sugat ang kaniyang magandang dibdib.
Sinapupunan niya’y gahasa ng lintik
Nakapiring ang mata’t nakabusal ang bibig!

Halimaw tayong gumagahasa,
Sa alindog niyang puno ng biyaya!
Buong lakas na sinisibasib,
Inuubos natin yaman ng daigdig!

Ano tayong walang kahabagan?
Tao ba tayo o diyablong pinawalan
Mula sa Tartaro na siyang libingan
ng halimaw at mga taong bayakan!

Ngayong lumuluha siya’t naghahangad-habag
Ano’t bingi tayo, ano tayo’t bulag?
Sabagay kapag katawan niya, sa Sheol lumatag
Sasama tayong lahat, sa hukay liligwak!

Author:

Isa lamang ordinaryong miron at mapangarapin si Noel Sales Barcelona na nagnanais magsulat ng hinggil sa kaniyang nadarama.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s