Posted in poem

Sining ng pagsasaing

Kaldero (Photo by Jun See. All rights reserved to Mr. See).

Takalin kung ilang gatang
At isalin sa saingan
Tatlong ulit na hugasan
Saka mo ito tubigan.

Isalang, saka apuyan
Takip, bahagya na kawang
Hintayin mong matuyuan
Saka apoy, ‘yong hinaan.

Pagkainin, ‘wag kainipan
Talagang ganiyan, ‘igan
Kailangang tama lamang
Nang ‘di masunog, mahilaw.

Parang pagmamahal iyan
Labis na init, sunog ‘yan
Kung sa pagtubig ay kulang
Asahan mong alibutdan.

Author:

Isa lamang ordinaryong miron at mapangarapin si Noel Sales Barcelona na nagnanais magsulat ng hinggil sa kaniyang nadarama.

One thought on “Sining ng pagsasaing

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s