Posted in essay, food and beverages prices, labor exploitation, labor export and globalization, non-fiction, poverty, prices of basic commodities, social injustice, social realism, women and children's issues, youth issues

Kayo ang magdala ng makakain…*

Kung may trabahong sapat ang kita at tutulungan ng gobyerno, nang totoo ang sektor ng agrikultura, walang magugutom na Pilipino. (Larawang nakuha sa Internet)
Kung may trabahong sapat ang kita at tutulungan ng gobyerno, nang totoo ang sektor ng agrikultura, walang magugutom na Pilipino. (Larawang nakuha sa Internet)

SABI NG ISANG MATANDANG kasabihang Hindi, “Mahalaga ang pagkain sa pagkatutong espirituwal.” Paano nga ba makapananalangin nang husto ang isang bata kung ang iniisip niya ay isang tasang kanin, isang pritong tuyo at isang tumpok na mga gulay? Kasama sa paghihimala ng Panginoong Hesu-Kristo noong nasa daigdig pa Siya, ay ang pagpapakain sa mga nagugutom (Cf. Mt. 14:13-21; Mk. 6:31-44; Lk. 9:10-17; Jn. 6:5-15;  Mk 8:1-9; at Mt. 15:32-39).

Sa Pilipinas, marami ang batang kulang sa nutrisyon. Hindi tayo kulang sa pagkain. Hindi totoo ang patalastas sa radyo at telebisyon na kapos ang daigdig sa pagkain. Dahil kung totoo iyon, matagal nang nagsara ang McDo, Jollibee, at Chowking dahil wala na silang sangkap na mailuluto at produktong maipagbibili.

Ang suliranin ng napakaraming pamilya, ang salaping pambili ng pagkain. Kapos sa salaping pambili ng pagkain ang ating mga kababayan dahil wala silang trabaho o kung may trabaho man, kapos ang kanilang mga sahod at sweldo para sa pang-araw-araw nilang pangangailangan.

Sabi ng pinakabagong Social Weather Station survey, tumaas ang antas ng walang hanapbuhay sa bansa—13.8 milyon, kontra sa 9.7 milyon noong Disyembre 2011.

Pahayag ni Santiago Apostol, “Ang dalisay na relihiyon at walang dungis sa harapan ng ating Dios at Ama ay ito, dalawin ang mga ulila at mga babaing bao sa kanilang kapighatian, at pagingatang walang dungis ang kaniyang sarili sa sanglibutan” (Cf. Santiago 1: 27).

Ang pagkalinga sa mga nangangailangan ang tunay na batayan ng relihiyon. At bahagi ng pagkalingang ito ay ang pagtiyak na ang bawat isa ay nakababahagi sa biyaya ng Diyos, gaya ng pagkain at iba pang pangangailangan. Dagdag ni San Pablo, ang pagibig sa kapwa ang pinakamatining sa lahat. Aanhin mo ang himala, ang kapangyarihan, ang ibang wika kung bato naman ang puso mo? (1 Corinto 13)

Hindi naman nangangahulugan na dapat maglimos ka araw-araw para makakain nang husto ang mga bata. Pero maganda rin ito dahil sabi nga sa Ecclesiastes 11:1 “Ihasik mo ang iyong tinapay sa tubigan: sapagka’t iyong masusumpungan pagkaraan ng maraming araw.” Ang ibig nating sabihin, bigyan nawa ang mga magulang nila ng sapat na pagkakabuhayan. Kung mayroon silang trabahong sapat ang kita, mayroon pa kayang batang magugutom at magkukulang sa nutrisyon?

(Nalathala sa quarterly newsletter ng Akap Bata Partylist, Abril – Hunyo, 2012; Hagyang binago noong ika-24 ng Setyembre, 2015)

___

*Juan 6:5-15

Author:

Isa lamang ordinaryong miron at mapangarapin si Noel Sales Barcelona na nagnanais magsulat ng hinggil sa kaniyang nadarama.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s