Posted in flash fiction

Villa Magdalena

HAGOK ang nakakubabaw sa kanya. Tila mamatay na mandirigma, pero hindi naman sugatan.

“Namputsa! Ang sarap mo talaga! Sulit na sulit ang pera ko sa’yo!” sabi nito na walang habas sa pagbayo.

Siya man, hingal na rin. May kung anong umiikot sa kanyang puson, na nakikipagrigudon sa kabog ng kanyang dibdib. Napakagat-labi siya nang maramdaman ang pag-agos ng nektar sa kanyang kaselanan.

“Ayan na ako!!! Unnnng!” sabi ng lalaki.

“Sabayan kitaaaaaaaa!” nulas sa bibig niya.

Tapos na ang ritwal at nakapagbihis na sila.

“Salamat, sa uulitin!” nawika niya.

Agad niyang kinapa ang perang iniipit niya sa kanyang bag. Binilang. Itinabi ang ilang dadaanin at lilibuhin. Isinisik sa munting bulsa sa kanyang bag. Kinapa niya ang cellphone sa isang sulok ng kanyang bag. Pindot. Mayamaya pa’y narinig niya ang pagriring sa kabilang linya.

“Hello!” sabi ng nakasagot sa kabila.

“Pakausap naman ke baby!” sabi niya.

“Hello, mama!” sabi ng bibong batang babae sa kabilang linya.

“Uy, musta ang baby? Pauwi si mama sa Linggo ha? Kakain tayo. Tapos na kasi ang work natin.”

Ramdam niya ang tuwa ng batang babae sa kabilang linya.

“Talaga?! Bili mo ako ng toy saka kain tayo sa Jollibee ni Lola ha?”

“Oo, anak. O sige, magtatrabaho na ulit si Mama. Babay! I love you”

“Love you! Babay!”

Pinutol niya ang linya. Nawala ang malambing at bibang tinig ng batang babaing kausap niya kanina. Napabuntung-hininga siya. Pagtayo niya at paglabas ng silid na iyon, parang nanunumbat ang kamang gusut-gusot ang sapin at may mantsa pa ng katas ng pagniniig kanina ng lalaking hindi naman niya tunay na kilala. Agad niyang ipininid ang pinto. Gusto na niyang makalabas sa motel na iyon…

Author:

Isa lamang ordinaryong miron at mapangarapin si Noel Sales Barcelona na nagnanais magsulat ng hinggil sa kaniyang nadarama.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s