Posted in flash fiction

Sangandaan

PAPAHAPON na at kailangan na niyang magmadaling umuwi. Kinikilabutan siya sa tuwing maiisip na baka maabutan siya ng dilim sa may sangandaan. Kung anu-ano kasing kuwento ang naririnig niya tungkol sa lugar na iyon.

“Buwisit kasi si Temyong eh, nakipagkuwentuhan pa. Ako naman si luka-luka, nagpalibang naman! Sus!” sabi niya sa sarili habang parang hinahabol ng aso ang kanyang mga hakbang.

Kinapa niya ang cellphone niyang low-tech, pamana ng kanyang kuya na nag-aaral-nagtatrabaho sa Maynila. Alas-5:45 ang nakarehistro.

May ilaw naman sa nilalakaran niya, kahit ang kabilang bahagi ng daan ay mga pinitak na namumutiktik sa malalagong palay at sa kabila naman, parang gubat na may matataas na talahib. Hindi siya takot sa ahas kung sa anuman. Takot siya sa kuwento ng multong nagpapakita at nananakot daw sa sangandaang iyon.

“Sus! Bakit ba ako magpapaapekto,” bulong niya sa sarili, habang patuloy ang paglalakad niya. Salitan ang dilim at liwanag dahil sa madadalang na poste ng ilaw.

Maya-maya, nakarinig siya ng mga yabag na papalapit sa kanya. Kinakabahan man ay nilingon niya. Nakangiti sa kanya ang isang magandang lalaki.

“Shit!” sabi ni Shirley sa sarili. “Ampogi naman neto!”

“Pasabay naman,” sabi ng lalaki.

“Sure, sure,” sabi niya.

“Magpaka-demure ka! Dalagang Pilipina ka,” sabi niya.

“Ako nga pala si Daniel,”sabi nito. Sabay lahad ng kamay.

“Shirley Marie, pero tawagin mo na lang akong Shirley. Nice meeting you, Daniel. Teka, mukhang ngayon lang kita nakita rito? ‘Di ka tagarito, ano?”

“Oo. Pamangkin ako ng isang nakatira riyan, malapit sa may kiskisan ng palay,” sabi ni Daniel. Bahagyang naparam ang kaba niya dahil sa kasabay.

“Ah! Kina Manong Berting! Me guwapo pala siyang pamangkin,” sabi niya. “Naku,” sabi niya sa isip niya. “Dumali na naman ang pagkataklesa mo, Shirley. Behave, behave!” saway niya sa sarili.

Napangiti si Daniel.

“Dapat, hindi ka naglalakad nang mag-isa. Kababae mo pa namang tao. At saka, balita ko, nakakatakot daw diyan sa krus na daan kapag ganitong pagabi na. May nagpapakita raw. Pero ako, hindi ako naniniwala roon. Ikaw, naniniwala ka ba na may multo at mga maligno?” sabi nito na nakangiti pa rin.

Tingin ni Shirley, lalong naging guwapo sa paningin niya si Daniel.

“Medyo… siguro… pero aaminin ko, medyo natatakot ako. Paano kung totoo?” sabi nito sa kausap.

“Moderno na ngayon ang panahon. May internet na at saka magagandang cellphone na may GPRS. Maniniwala ka pa ba doon?” sabi nito sa kanya.

Papalapit na ang sangandaan, panatag ang loob niya dahil magaang kausap ang kasabay. Unti-unti ang pagsapit sa kinatatakutang daan.

“Siguro, ‘di nga totoo ‘yon,” sabi nito sa katabi.

Muling napangiti ang magandang lalaki. Nasa krus na daan na sila, at may sasabihin pa sana siya sa kausap kanina. Paglingon niya sa katabi, parang usok na nalulusaw na sa paningin niya ang kausap na si Daniel subalit nakangiti pa rin.

Author:

Isa lamang ordinaryong miron at mapangarapin si Noel Sales Barcelona na nagnanais magsulat ng hinggil sa kaniyang nadarama.

2 thoughts on “Sangandaan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s