Posted in flash fiction

Minsan, isang dapit-hapon

ISANG HAPON. Dating tagpuan.

“Hindi na ba magbabago ang pasya mo?” tanong niya sa akin habang pakuya-kuyakoy sa kinauupuang pasimano ng gazebo sa parkeng iyon.

“Hindi na,” sabi ko, diretsa.

Walang kibuan sa ilang minutong nagdaan.

“Ano ba talaga’ng problema?” untag niya.

Napabuntunghininga siya.

“Kung langit at lupa na ang pagitan ng puso’t pag-iisip… ano pa nga ba ang silbi ng pagibig?” tumingin siya sa kanya. Nakapinta sa mukha ng katipan ang galit, pagkadismaya.

“Ang yabang mo naman!” aniya. “Hahanapin mo rin ako.”

“At ako rin, hahanapin mo,” pakli ko.

Papalubog na ang araw. Ang namumulang mga ulap, tila dugo sa pisngi ng langit na unti-unting nalalambungan ng kadiliman. Lumalamig na ang hangin, sa aming palibot, sa aming pagitan.

“Goodbye,” sabi ko sa kanya, sabay pisil sa kanyang palad, sabay gawad ng halik sa kanyang pisngi.

Sa pagtatago ng araw sa pinakapuso ng kanluran, at pag-awit ng kuliglig sa kung saan palumpon, alam niyang hindi na siya lilingon sa gazebo na iyon… hindi na…

Author:

Isa lamang ordinaryong miron at mapangarapin si Noel Sales Barcelona na nagnanais magsulat ng hinggil sa kaniyang nadarama.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s