Posted in flash fiction

Eskinita

NAGMAMADALI ang kanyang mga hakbang. Walang lingun-lingon. Isang malakas na busina at malutong na mura ang narinig niya mula sa tsuper.

“Putang ina mo! Hayop ka! Kung magpapakamatay ka, ikaw na lang! H’wag ka nang mandamay! Ulol!”

Hindi niya pinansin ang tinuran ng tsuper.

Komosyon ang nasa likod niya. Naririnig niya ang tili ng isang babae at yabag ng nagmamadaling mga paa.

Lalong bumilis, lumaki ang mga hakbang niya. Sa dibdib niya ang kabog, habang naninigas ang kanyang leeg para hindi siya mapalingon.

Napahinto siya sa bilang pagsalakab ng dalawang matitigas na kamay sa kanyang braso, sa kanyang leeg. Nag-estrelya ang paningin niya nang dagukan siya ng inaamala niyang pulis.

“Buwakanang ina ka! Ke bata-bata’y kawatan ka!” sabi ng matigas, galit na tinig.

Parang kidlat na gumuhit sa paningin niya pilansik ng liwanag na mula sa kanyang sinampal na pisngi.

“Hala, doon ka muna sa kalaboso.”

Napaluha siya, gusto niyang magpumiglas subalit dalawang malaking lalaki ang halos kumakaladkad sa kanya. Tumakbo ang isip niya, pabalik sa eskinitang iyon, malapit sa Avenida. Sa munting kubakob ay may dinadalahit ng ubong babaing nakaratay sa kama. Sa ibabaw ng lutuan, ang kalderong walang laman, na taning ipis ang nagpipista sa tutong na naiwan. Parang patay na nakahandusay ang maliliit na batang babae at lalaki, walang salawal, dungisin nanlilimahid ang suot na damit. Idinaan sa tulog ang gutom.

Gusto niyang magmakaawa, magpumiglas, makakawala para maipagpatuloy ang pagtakbo patungong sa maliit na entreswelong iyon na kinalalagakan ng mga mukha ng hapis.

Nausal niya sa isip niya: “Sana’y naging mas maingat ako… sana’y naging mas maingat ako…” at tuluyan siyang napaluha.

Author:

Isa lamang ordinaryong miron at mapangarapin si Noel Sales Barcelona na nagnanais magsulat ng hinggil sa kaniyang nadarama.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s