Posted in critical essay, essay, journalism issues, Other

Same shit, different day

Photo from http://www.easyvectors.com/browse/other/paper-boy-clip-art

The life of a journalist can be shitty sometimes. Nararanasan ko ito, madalas laluna kapag hapit na hapit ang deadlines. Marami kasi akong pinagsusulatan at karamihan sa kanila, shitty rin kung magbayad—either too late or never. 

Masayang malungkot, mabangong mabantot ang buhay ng isang peryodista. Masaya dahil marami kang matututunan sa araw-araw na ginawa ng Diyos: bagong mga termino o jargons, bagong mga tuklas sa agham at teknolohiya, at siyempre pa, bagong mga intriga (na may katotohanan) hinggil sa buhay ng mga artisa at pulitiko. 

Malungkot ang buhay ng peryodista if you’re inclined to the ideal. No envelop shits or bribes, no influence peddling, etcetera. Malulungkot ka kapag nakita mo ang ilang kasamahan mo sa industriya na go for the kill ng istorya sa kapalit ng paldu-paldong pera sa bulsa. Ibig sabihin, they rather sacrifice their rights for freedom of expression and the right of the public for the freedom to information, in exchange for that dirty money. Pero, higit na malungkot na malaman na nagagawa nila ito dahil hindi sila talagang kayang pakainin ng industriya. 

Barya-barya lang ang kita sa pagsusulat. Malibang matagal ka na at nakaempleyo ka sa malalaking pahayagan dito sa Pinas o sa mga magasing nagbebenta ng kulturang Kanluranin pagdating sa “essence of beauty” at “worship for the hip and the fad” pagdating sa pagdadamit at pag-aalahas, hindi mo malalasap ang pinakaaasam mong suweldo na magbibigay sa iyo ng kaunting luho gaya ng magarang cell phone, kotse at bahay. 

Ang kabanguhan ng industriya ay nagiging pinakamata ito ng mga mamamayan para makita nila ang kamalian sa kanilang lipunan. Ang kabahuan naman nito, napasasama ito sa kabulukan ng lipunang nagluwal sa kanya. 

According to veteran journalist Inday Espina Varona in one of her lectures about the Church and the press, she said that the mass media is actually a representative or the microcosm of the entire society where it is in, or the macrocosm. Hindi ganoon sinabi yun ni Manay Inday, however, that is the essence. 

Ibig sabihin, ang kabulukan at maging ang ilang pagkakamali ng media (at mga nasa likod nito) ay pawang repleksiyon lamang ng kung ano ang nasa lipunan natin. The question, “where all this shitty-ness does came from” is another matter to discuss. It’s a matter of political economy and the sociopolitical discussions of how this society and other societies work, irrespective of their histories. 

Back to the story of my own shitty-ness as a journalist is when I forget to follow the rule of “balance” when it comes to giving a slant to my story. Maybe, it is just my disgust, rather disbelief, to the “other class” than “my class” makes me bias towards to my class, the “working class”, known to its Tagalog term as “masa.” Eh, sino ba naman talaga ang maniniwala sa mga pulitiko na kaya lang naman tumakbo ay para makapagpayaman sa puwesto? At sino rin ang maniniwala sa karamihan ng mga negosyante eh, karamihan sa kanila yumaman dahil sa pandarayan nila sa kanilang timbangan o kaya naman ay paghuthot sa likas-yaman at yamang tao ng bansa na hindi naman nila binabayaran nang tama? 

This could be “communist-sounding” but it is the truth. How can you explain the shitty-ness of the “pro-environment campaign” of some big food conglomerates (that I will refuse to name), while in fact that they are polluting our waters with their non-biodegradable plastic wastes? Or, the shitty-ness of the fact that there are some big energy corporations that they say that they are pro-environment or eco-friendly, while in fact they do not want to throw a huge sum on renewable energy sources? My God! 

Kaya araw-araw kapag nagsusulat ako, nakararamdam ako ng kakaibang alimpuyo at pagkayamot. Pagkayamot sa sarili ko dahil napakaliit ng boses ko para maging tinig ng pagbabago at alimpuyo laban doon sa mga isinusulat mong mga personahe, institusyon at negosyo na alam mo namang puro boladas lang naman; in other words, PR [public relations, or merely press release (just for a show)]. 

Anyway, I have learned to love the shitty-ness of work. Since variety is the item for the day (even for night), I am just hoping that the shitty-ness of the present won’t be the shitty-ness of the future.  (This was an attempt to join the “shit” by Mr. L, the owner of the SSDD. Thanks for the opportunity, though I am a hundred per cent stranger to thine world. By the way, I have learned about this shitty-ness through Kat)

Author:

Isa lamang ordinaryong miron at mapangarapin si Noel Sales Barcelona na nagnanais magsulat ng hinggil sa kaniyang nadarama.

5 thoughts on “Same shit, different day

  1. Peryodismo ang tinapos ko sa kolehiyo, sa isang pampublikong pamantasan, pero imbes na magpunta ako sa hard core journalism ay napunta ako sa corp comm. Tama kasi ang sinabi mo, talagang walang pera sa peryodismo, maliban na lang kung mapapasailalim ka sa yellow journalism or in other words e “envelop”mental journalism.🙂 Kinailangan kong magtrabaho sa isang kumpanyang may mas mataas-taas na pasahod dahil maaga pa lang ay may sanggol na akong kailangang tustusan.

    Pero salamat na lang dahil ang mga tulad mo ay naririyan pa rin. Na kahit walang malaking kita sa peryodismo, ay patuloy pa rin ang pagpapatunay na may mga Pilipino pa ring likas sa puso ang idealismo. And what you said is true, since variety is the job’s main fare, I, too, am hoping that it won’t be long before we are overcome by real change. After all, sabi nga, change is the only thing that is permanent in this world.

    Oh, and I remembered, back in college, naging teacher ko sa news writing si Bobbie Malay. Ang lagi niyang sinisiksik sa mga utak namin, is that when we are writing a news story, we always have to be impartial, unbiased, etc. because news is supposed to be free of biases. It’s factual reporting, after all. But then, we all know that’s easier said than done, right? Tama ka kasi, pag pumapasok na yung ayaw natin sa sistema, yung mga kinaiinisan natin, nagrereflect yun talaga sa mga sinusulat natin. But I think, as long as we know what is right, we can always correct this and be more impartial in what we write.

    Goodluck sa iyong profession bilang isang peryodista!

    1. Maraming salamat po sa pagbabasa ng aking blog. Dadalaw akong minsan sa lugar n’yo rito sa Cyberspace. Mabuhay po kayo! (By the way, maybe I need a career shift so that I won’t be pissed off. :P) Godspeed po!

      1. I think whatever career you get yourself into, there will still be a lot of things that will piss you off. haha!

        God bless, too!

  2. sir, hats off dahil sa bagamat katambal ng hirap at sakripisyo ng propesyon ninyo bilang peryodista at manunulat, nakakasigurado pa rin ang masa na may roong mga gaya ninyo na naghahayag sa ngalan ng patas na pagbabalita.

    mabuhay po kayo.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s