Posted in opinion, Other

“?”

BIHIRA akong magtanong. Reporter ako kung saan-saang publikasyon, pero lagi kong kinahihiyaang magtanong. Baka kasi ‘di ko magustuhan ang sagot o baka mali ang aking itatanong o pamamaraan ng pagtatanong. Kaya kinahihiyaan kong madalas, ang magtanong. 

***

Kamakailan lang, nagpunta rito ang pamilya ng mga biktima ng malagim na hostage taking sa Luneta. Humihingi sila ng danyos. Pero sekondaryo ‘yon sa mga kahilingan nila. Ang pangunahing gusto nila: Humingi ng tawad si Pang. Benigno C. Aquino III sa diumano’y pagkakamali at iba pang uri ng kapalpakan sa naganap na hostage crisis sa Luneta noong umuulang gabi ng lunsad-aklat ng Ipuipo sa Piging.

Wasto, marahil, ang tindig ng Palasyo hinggil sa isyu: Hindi dapat agad na magpalabas ang “litte White House” ng pahayag ng paghingi ng paumanhin. Una, may implikasyong diplomatiko ito. Si Pang. Aquino, bilang hepe ng Sandatahang Lakas at ng pulisya, at itinuturing na simbolo/representante ng kapangyarihang pampulitika sa bansa, ay nakatali sa pananagutan sa sarili niyang mamamayan, at hindi kung kaninuman.

Ikalawa, magbibigay ito ng precedent o tuntungan para sa pagpuwersa (diumano) sa gobyerno na panapanahong magpalabas ng pahayag ng paghingi ng patawad o pagpapaumanhin sa anumang nararamdaman o nakikitang pagkakamali/pagkakasala/pagkapalpak ng gobyerno ng Republika ng Pilipinas sa anumang bansa.

Ikatlo, humingi na sila ng tawad, ayon kay Pangalawang Pangulong Jejomar Erwin C. Binay Sr. Sapat na iyon.

Pero, ano itong sinabi ni Raissa Robles sa kanyang naging pagbabalita sa South China Morning Post, na muling nailathala sa kanyang blog na may iba pa palang kasalaulaang ginawa ang ilang miyembro ng pulisya sa naturang masaklap, mapait at nakapanghihilakbot na pangyayari bago magtapos ang buwan ng Agosto?

One of the things that made the relatives very angry was the “disrespect” shown to the bodies of their loved ones.

I really did not understand what that meant. So I asked Morning Post reporter Simpson Cheung, who covered the victims’ relatives actions in Manila why the relatives y thought the remains had been disrespected.

“You mean you didn’t know?,” he said expressing surprise.

I said I didn’t know and neither did the Filipino people.

Simpson explained to me that during the Hong Kong government inquest on the fiasco that opened last February, a relative of one of the women who died testified that “one of the girls had her brain taken out from the skull and placed inside the main body. They just put some cloth to build the head inside the empty skull.”

Aghast, I asked him where exactly the brain ended up being stuffed in. He said somewhere inside the stomach or chest.

Another thing, he said, was that the brother of Masa, the slain tour guide, complained that when the body of his sibling was retrieved from inside the bus, it was first left on the ground outside the bus, unattended in the rain.

Also, some of Masa’s personal belongings were nowhere to be found, he said.

Mayroon ding pagkakamali ang paramedics na Pinoy sa pagresponde sa Hongkong Nationals na duguan at halos naghihingalo: hindi kaya ng mga nasa ambulansiya o paramedikong ampatin ang pagdurugo ng sugatang biktima–patunay ng marawal o hirap na kalagayan ng sektor ng medisina at kalusugan ng bansa (na nangangailangan din siguro ng hiwalay na paglilinaw).

Ngayon ang tanong: Dapat ba o hindi dapat na humingi ng paumanhin si Pang. Aquino sa pamilya at kaibigan ng mga biktima?

Ayon pa rin kay Bb. Robles, mayroon naman daw na liham ng paumanhin si Pang. Aquino, na personal na bitbit ni Pangalawang Pang. Binay nang pumunta ito ng Tsina.

Tanong po ulit: Ano ang nangyari at hindi naiabot ang sulat kung mayroon mang sulat?

***

Ika-30 ng Agosto, paggunita sa mga desaparacido — mga taong nawala na lamang at sukat at pinagdududahang dinukot, pinahirapan, ginahasa (kung babae), at pinatay ng mga militar.

Si Jonas Burgos, apat na taon nang nawawala. Sina Karen Empeño at Sherlyn Cadapan, patuloy pa ring pinaghahanap ng kanilang tumatangis na mga ina (siyempre ‘yong iba rin) nang dukutin at mawala sa Bulacan noong 2008.

Maraming nawawala at maraming namatay dahil sa kampanya kontra-insurhensiya ng gobyerno. Sabi ng mga kaanak nila, niyaong mga nawawala, sibilyan sila. Walang armas para makalaban.

Tanong: Kailan maamapat ang sakit at hapdi ng pangungulila ng mga kaanak, kaibigan at kakilala (maging asawa’t mga anak) ng nawawala?

Bakit magpahanggang ngayon, hindi pa rin masolusyunan ang suliranin na may kinalaman sa pagdukot, pagpatay at pagpapahirap sa pinaghihinalaang mga kaaway ng gobyerno samantalang may malinaw na mga kumbensiyon at batas hinggil dito?

Hindi kaya talagang ang gobyerno ang may utos na ipaligpit sila tulad ng ordinaryong kriminal na “sinasalbeyds” ng mga pulis dahil may kinalaman diumano sila o tahasang nakikinabang sa maruruming gawain sa lipunang ito na batbat ng hirap at dusa?

O talagang walang puso lang ang mga taga-gobyerno at ang kasundaluhan at kapulisan at naaatim nilang gawin yaon sa mga taong itinuturing nilang mga kaaway?

Hindi ba’t Kristiyanong bansa tayo? Bakit hindi magawang ampatin ng mga simbahan at iba pang sekta ng relihiyon ang karima-rimarim na paglabag sa karapatan ng mga tao na itinuturing na kawangis at kalarawan ng Diyos (Gen. 1:27)?

***

Patuloy ang paglawak ng karalitaan at kakapusan sa bansa, kahit sinasabi ng gobyerno na tumataas ang tantos ng ating ekonomiya o yaong tinatawag na gross domestic product.

Nagsulat tayo ng isang mahabang sanaysay hinggil sa katamaran ng mga Pilipino na pangunahin daw sanhi ng kahirapan ng maraming Pilipino.

Tanong: Hindi ba’t dapat na tumataas ang per capita o kita ng indibiduwal sa pagtaas ng tantos ng pambansang ekonomiya? E bakit patuloy ang pagdausdos ng halaga nito?

Maraming tanong at hindi malinaw ang ibinibigay na mga sagot.

Tanong ulit: Bakit ayaw bigyang linaw ang mga katanungang ito? Bakit nga ba? Tanong ulit: Sino nga ba ang dapat sumagot o makasagot? Iyan ay katanungan ulit…

Author:

Isa lamang ordinaryong miron at mapangarapin si Noel Sales Barcelona na nagnanais magsulat ng hinggil sa kaniyang nadarama.

One thought on ““?”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s