Posted in Other, poem

senswal

niyakap mo ako nang mahigpit
parang apoy na kumapit sa siit
ang bawat haplos at halik
nakadadarang, nakapagpaparikit
ng damdaming dati’y malamig.

sa gitna ng halik at ulaol
sa suso, sa labi, sa puson
sa bawat sulok at kalyehon
ay parang paglalakbay, paghahabol
sa rumaragasang tiktak ng panahon.

sa bawat suksok at hugot
ay bumubulwak ang pangako’t bangungot
paano kung ang pagniniig ay matapos —
maalala mo pa kaya ako kapag ikaw at ako
ay maluwalhating nakaraos?
o katulad ng bugso ng init
matapos ang lahat, lahat ay muling manlalamig?

Author:

Isa lamang ordinaryong miron at mapangarapin si Noel Sales Barcelona na nagnanais magsulat ng hinggil sa kaniyang nadarama.

6 thoughts on “senswal

  1. Wala akong alam sa sex pero totoo po bang ito ang sad part? Matapos makaraos sa init ay lamig na? Pero pinanunumbalik naman ito ng puso. (kunwari may alam po ako)

      1. kayo po si Sir Noel Sales Barcelona diba? Ipinagpapasalamat ko po ang blog nyo na ito bilang panlaman sa utak. Inspirasyon po kayo. (^_______^) Mabuhay po at God bless!

      2. Ako nga po at wala nang iba. Taga-PUP ka rin pala? Nandiyan ako nang matagal… mula 1999 hanggang taong 2004. Pero baka magbalik din para mag-aral na muli. Ikakawing (link) ko nga pala ang blog mo rito. Salamat sa pagsubaybay. Sulat lang nang sulat, siwalat lang nang siwalat. Ang hindi gumawa, bisaklat! Ha-ha-ha-ha!

    1. Ah ganun ba? Saan ko kaya nabasang si Monik ay taga-PUP? Ha-ha-ha! Naghahalusinasyon na yata ako.🙂 Magbabalik-PUP po ulit ngayon kasabay ng aking Theology course. Mabubay po sila!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s