Posted in love poem, poem

sapagkat madalas mapait, di matamis ang mga gunita

hindi nakalilimot ang puso
ang sugat ng kahapon
ay ‘di maitatagong pilat
sa pagitan ng puso at bungo.
katulad ng ukit sa lapida sa nitso
hindi mabubura ng bagyo
ang nakasulat dito.
hindi kayang mabura
ang mga alaalang nagkapira-piraso.

huwag mo akong tanungin
kung bakit laging may dalang dimdim
ang alaalang dumadalaw
sa pagsapit ng dilim
sapagkat madalas kaysa hindi
naalala ng puso at isip
ang mga mapapakla’t mapapait
at madaling malimutan
ang sarap at tamis
ng unang halik at pagtatalik…

Author:

Isa lamang ordinaryong miron at mapangarapin si Noel Sales Barcelona na nagnanais magsulat ng hinggil sa kaniyang nadarama.

One thought on “sapagkat madalas mapait, di matamis ang mga gunita

  1. Mapait nga ba ang pag-ibig
    At bakit kailangang mamuhi
    sa sininta’t tinangi?

    Matalim ang pag-ibig
    kapag puso’y natutong mamuhi
    Masakit
    Mahapdi
    Ang laro ng pag-ibig

    Minsan lang naman

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s