Posted in essay

Nakapagtataka… nakamamangha…

Ang sabi ni Einstein,

The most beautiful thing we can experience is the mysterious. It is the source of all true art and all science. He to whom this emotion is a stranger, who can no longer pause to wonder and stand rapt in awe, is as good as dead: his eyes are closed.

Ako man, lagi pa rin akong bighani ng pagtataka’t pagkamangha — sa maliliit o malalaking bagay man. Hindi ko pa rin maubos maisip na mayroon pa ring mga bagay, kahit na napakabilis ng pagsulong ng agham at teknolohiya, ay nananatiling misteryoso.

Nangunguna sa mga bagay na kinamamanghaan ko ang kamatayan. Bakit nga ba namamatay ang tao? Bakit may katapusan ang siklo ng buhay? Kung tunay na siklo ang buhay, bakit mayroong itong pagkatapos? Nakapagtataka. Nakamamangha. Nakamamangha. Nakapagtataka.

Ikalawa ay ang hindi maipaliwanag na kasakitan, kasakunaan at kung anu-anong masasamang pangyayari sa mundo. Kung talagang may Dios na makapangyarihan at nakaaalam ng lahat — wala ba siyang puso at budhi para pigilan ang kawasakang dinaranas ng tao. Subalit hindi naman natin matatanong ang Dios. Nakapagtataka at nakamamangha. Hindi ko pa rin mawari kung bakit milyun-milyong buhay ang pinababayaang kitlin ng kalikasan na dapat sana’y nagbibigay ng buhay. Marami rin naman ang hindi pumapayag na ang mga kasakunaang iyan ay bunga rin naman ng kalikutan ng tao. Sa pakikialam ng tao, na may isip at diwa, sa galaw ng kalikasan at ng mundo, tila ba bumabaliktad ang lahat. Pero ito nga ba talaga ang dahilan ng mga sakuna’t trahedyang nagaganap sa buong daigdig? Paano ang lindol at ang tsunami na kaakibat nito? Nakapagtataka at nakamamangha, nakamamamangha’t nakapagtatakang tunay.

Marami pa akong pinagtatakhan at kinamamanghaan. Marahil sa susunod na entry na lang. Dahil inaantok na ako. Pero nakamamangha rin: Bakit kailangang antukin, makatulog at managinip ang tao? Nakapagtataka… nakamamangha…

Author:

Isa lamang ordinaryong miron at mapangarapin si Noel Sales Barcelona na nagnanais magsulat ng hinggil sa kaniyang nadarama.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s