Posted in Uncategorized

EDSA 1

Mag-aanim na taong gulang ako nang maganap ang makasaysayang EDSA People Power 1. Walang muwang sa nagaganap, napagtanto ko ang kahalagahan ng nasabing pangyayari nang mabasa ko ito sa mga librong pangkasaysayang ginamit namin mula elementarya hanggang kolehiyo. Pero aaminin ko: Hindi ko pa rin lubos na naiuugnay ang sarili ko sa "kaluluwa" ng EDSA.

***

Nang mapatalsik ang diktadurang Ferdinand E. Marcos, sinabi nilang napanauli ni Gng. Corazon Cojuangco Aquino ang demokrasya. Malayang makapamimili na ngayon ang mga tao ng opisyal ng gobyernong ibig niya. Nagkaroon ng bagong konstitusyon. Naibalik ang ABS-CBN at Meralco sa mga Lopez. Nakapagnegosyo na ulit ang ibang mga nasa itaas na uri. Pero nanatili ang mga bayawak sa gobyerno. Nasaan ngayon ang demokrasya?

***

Fast forward, taong 2011. Pinilakang gulang na ang Unang Rebolusyong EDSA. Subalit wala pa ring nababago sa lagay ng ating lipunan, ekonomiya at demokrasya. Nagmamalaki ngayon ang senador Bongbong Marcos na kung di naganap ang EDSA’y singyaman na tayo ng Singapura ngayon. Kung gaano katotoo ito? Hindi ko alam. Ang alam ko, me utang na iniwan ang namatay niyang ama sa Bretton Woods Institution na US$20 billion. Nananatiling bulok ang ating pulitika. Nananatiling hikahos ang marami nating kababayan. At sinasabi ngayon ni Pang. Benigno C. Aquino III na hindi naman nabigo ang pangako ng EDSA. Isa lang ang masasabi ko: WEEEHH???

Author:

Isa lamang ordinaryong miron at mapangarapin si Noel Sales Barcelona na nagnanais magsulat ng hinggil sa kaniyang nadarama.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s