Posted in Uncategorized

Alaala*

Naalala kita

sa tuwing gabing malamig

at walang liwanag ang buwan

naalala kita…

Sa tuwing nakapapaso ang araw

o sa panahong nagtatago siya

sa laylayan ng makutim na ulap —

ay naalala kita:

ang bawat guhit at gurlis

ang bawat linya at hugis

ang bawat pakla at tamis

ang bawat asim at pait

Bakit ba hindi marunong lumimot ang puso?

Bakit hindi marunong isantabi ng kaluluwa

ang bawat larawan?

Itatago nang kaunting panahon

sa panig ng isipang ikinahon

subalit hindi rin maglalaon

ay muling iaahon at hahaplusing

parang namamanginoon…

Oo, naalala kita

sa bawat pagikot ng orasan

sa bawat pagtibok ng pusong

naisangla na sa iba nang walang tubusan

sa bawat inog ng daigdig kong munti

sa pag-iisa’t pakikiisa

sa liwanag at dilip

sa bukang-liwayway at takipsilim

sa alat at tabsing

sa pagtaog at pagkati

sa bawat pagkakataon

Naalala kita, oo — isang nililimot na pagsinta

kahit hindi mo kailanman ako

hinahanap at inaalaala…

Author:

Isa lamang ordinaryong miron at mapangarapin si Noel Sales Barcelona na nagnanais magsulat ng hinggil sa kaniyang nadarama.

One thought on “Alaala*

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s