Posted in Uncategorized

Ulan

Maligo kita sa ulan
At hayaang magtampisaw
Katulad noong ating kabataan
Bayaang katulad ng halaman,
Basain tayo ng tikatik na ulan.

Tulad ng mga bata’y
Maghabulan tayo sa gitna ng ambon
Kahit na madulas at madapa
Hayaan na lang natin iyon
Hayaang ang kaluluwa ay maglimayon
Sa ligayang hatid ng ulan at ambon.

Sapagkat sa lamig ng ulan
Mapagsasaluhan natin ang init
Sa tikatik niya’y ating maihihimig
Ang ating pangarap, na ‘di maititik
Subalit itinitibok, itinatahip
Ng tahimik nating dibdib.

Maligo kita sa ulan
At hayaang tulad ng halaman
Ay lumago ang ating pag-iibigan
Sakali mang tumindi ang sikat ng araw
At maluoy ang pagsisintahan—
Hayaang maalaala ang tamis at linamnam
Sa tuwing umaambon, pumapatak ang ulan…

Antipolo, Rizal
13 Enero 2010, Huwebes; ika-10:15 n.g.

Author:

Isa lamang ordinaryong miron at mapangarapin si Noel Sales Barcelona na nagnanais magsulat ng hinggil sa kaniyang nadarama.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s