Posted in Uncategorized

bago ka matulog nang mahimbing

bago ka matulog nang mahimbing
hayaan mong ipaalala ko sa iyo
na sa iyong paggising ay naghihintay sa iyo
ang isang masalimuot na araw
hindi gaya ng pantasyang pinanonood mo
walang mahikang makatutulong sa iyo
para magkaroon ng kaning isusubo.
hindi ka pinagpala, tulad nilang nasa mansiyon
na hindi man lamang nakakilala
ng karalitaan, kadustaan at kahirapan.

bago ka maidlip, tiyaking buo ang puso at isip
dahil sa pagtahak mo sa landas ng buhay
makikita mo ang iyong kalagayan —
busabos at alipin, maging sa sariling bayan.
kailang dumoble, trumiple ang kayod
kahit ikaw ay pagod na’t hilahod
sapagkat kailangang magpag-abot
ang kaunting kitang limos.

bago ka tuluyan mahimbing
at hatakin ng pananaginip
laging isapuso at isaisip
na ang kapalaran ay wala sa bituin sa langit
o sa alinmang kamay ng Diyos
dahil ikaw ang nakikihamok at nakikipamatok
sa mundong pagkasalisalimuot.
kaya bago tuluyang ang diwa’t puso’y makatulog
inumin mo ang saro ng pakikihamok
at papagpahingahin sa isang sulok
ang mga nag-uugoy sa iyo sa pagkadungo’t pagkadayukdok!

Author:

Isa lamang ordinaryong miron at mapangarapin si Noel Sales Barcelona na nagnanais magsulat ng hinggil sa kaniyang nadarama.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s