Posted in Uncategorized

Parol[1]

Kikisap-kisap

Ang mga parol at ilaw

Na nakabitin, nakahalabid

Sa mukha ng gusaling

Tila ataul, nakangisi

Nag-uuyam na nakatunghay

Sa kubol[2] na itinirik

Ng mga ‘kapamilya’ dati.

Parang nanunuyang[3] sabi:

“Tingnan mo’t maliwanag kami

Samantalang kayo’y nagtitiis,

Nilalamig sa gitna ng dilim ng gabi.”

Ngunit ikaw, ikaw na naririyan

Sa gusaling pinalamutian mo

Ng huwad[4] na mga bituin:

Ang mga parol at ilaw mong nakabitin

Ay animong mga ilaw na tanglaw

sa búrol[5] mong parating!”

 

13.Nob.2010

 

 


[1] Para sa mga manggagawa ng ABS-CBN na ngayon, tumitigil sa kubol na malapit sa istasyon—nakikihamok para sa kanilang karapatan bilang mga obrero. – N. S. B.

[2] Maliit na kubo, barung-barong

[3] Nanunukso, nanlalait

[4] Peke, di-tunay

[5] Lamay ng patay

 

Author:

Isa lamang ordinaryong miron at mapangarapin si Noel Sales Barcelona na nagnanais magsulat ng hinggil sa kaniyang nadarama.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s