Posted in Other, poem

Ang Tula ay…

1

Ang tula ay talulot
Ng luha ng isang makata.

Haplos ng hanging amihan
Sa nag-aapoy niyang kaluluwa.

Init ng hatinggabi
Sa kanyang nangangaligkig na puso.

Anino ng nilulumot na mga alaala
Sa baul ng kanyang tumitibok na utak.

2

Ang tula ay mga impit na sigaw
Na umaalingawngaw.

Mga tahimik na sandali
Nang pakikipag-ulayaw
Tungayaw
sa sarili
sa sarili ng iba pang sarili
sa mga inangking sarili
sa mga itinatwang sarili.

Bawat taludtod, saknong
Ay paraparang saksi sa inulilang kahapon.

Sa mga lansangang natigmak ng dugo
Sa kagubatan na nagkukubli
Ng ilang nakaw sa sandali
Na parang hiyas na itinatago’t
Ayaw ipinakaw…

3

Ang mga taludtod
Ang mga saknong
Ay pawang saksi sa kanyang
Pagngiti sa pangungulila.

Bawat indayog
Ay matindi niyang
Paghahangad, pagnanasang
Makalaya, makahulagpos

Sa pagkaminsa’y
Nililikhang reyalidad
Sa kanyang utak
Sa kanyang puso.

Sapagkat ang tula
Ay gamot din naman
Sa pagpapaimbabaw.

Author:

Isa lamang ordinaryong miron at mapangarapin si Noel Sales Barcelona na nagnanais magsulat ng hinggil sa kaniyang nadarama.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s