Posted in essay, non-fiction, opinion, Other

pagbebenta ng utak at iba pang latak

NOONG nakaraang taon, nasabak ako sa isang kakaibang trabaho. Naging puta ako – sa intelektuwal na pakahulugan nito – nang mapasok ako sa isang kompanyang nagsisilbing pabrika ng mga papel pang-akademiko – tesis, disertasyon, sanaysay, atbp.

Dolyares ang bayad. Malaki kung tutuusin kaysa sa ibang pasulatan. Paduguan ng utak, ubusan ng pasensiya, ubusan ng lakas. Kapalit ng malaki-laking halaga, kailangan mong pagtiisan ang hindi magandang pagtrato sa iyo ng kompanya. Kailangang magtiis dahil kailangan mong mabuhay. Kailangan mong magputa at magpaalipin sa sistema para mabuhay.

***

Matapos ang aking limang buwang kontrata sa kompanyang iyon na nagnakaw sa akin ng kung ilang libong piso dahil sa gawa-gawang kaso at danyos (fines) dahil umano na plagiarized ang ginawang papel, kesyo hindi nasunod ang ganito at ganireng patakaran sa pagsulat ng papel, at marami pang iba, nahinto ako sa gayong uri ng pagpuputa at nagbalik sa unang trabahong minahal ko – ang peryodismo. Subalit napakahirap mabuhay sa pabarya-baryang bayad sa bawat artikulo kung kaya, noon lamang isang linggo, napagpasyahan kong muling ipagputa ang aking galing at talino.

***

Hindi na bago ang gayong kalakaran sa edukasyon, sa ibang bansa man o dito sa atin. Marami ang nakahandang magbayad para lamang makamit ang kanilang diploma sa masterado at doktorado, o kung anu pang ado – ado. Kailangan kasi para tumaas ang suweldo at makapambola sa mga estudyanteng tinuturuan mo. Diploma ang patunay mo na matalino at kagalang-galang ka. At kayong walang diploma, walang masterado at doktorado, wala kayong karapatan na maging matalino at igalang niyaong banal-banayod-sa-ilalim ang kayod na propesor sa malalaking pamantasan.

***

“There is one effective–though of course not the only and most effective–way to find out who the real scholars in an academic community are. We are talking here of genuine scholars in contrast with those academics who enjoy immensely the aura of authority attached to the titles they are proud to be addressed with and they brazenly place before their names–Professor and Doctor…through Google Scholar,” sabi ni Ruel F. Pepa, isang propesor buhat sa Trinity University of Asia.

Pero sa abang palagay, hindi rin maasahan ito. Sapagkat maaaring ang papel na isinulat ko sa isang banong eskolar na Kano o anumang lahi, ang lumitaw.

Author:

Isa lamang ordinaryong miron at mapangarapin si Noel Sales Barcelona na nagnanais magsulat ng hinggil sa kaniyang nadarama.

One thought on “pagbebenta ng utak at iba pang latak

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s